Date of Publication

8-2013

Document Type

Master's Thesis

Degree Name

Master of Fine Arts in Creative Writing

Subject Categories

Creative Writing

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Literature

Thesis Adviser

Genevieve Asenjo

Defense Panel Chair

Allan Popa

Defense Panel Member

Edgar Samar
Kristian Cordero

Abstract/Summary

Ang Loob ay isang book-length na lirikong serye kung saan sinipat ang espasyo ng loob sa pamamagitan ng pagsuri sa pagtira sa studio-type na silid bilang isang partikular na uri ng pamumuhay sa lungsod. Binubuo ito ng labing-isang serye at gumamit ng lirikong prosa, mga tala, at mga imahen upang makalikha ng mga pira-piraso ngunit nagsasanga-sangang pagninilay. Sa sanaysay naman na Bagong Loob: Bagong Tula: Mga Tala Patungo sa Poetika ng Pakikipagkapwa, binalikan at itinala ko sa unang pagkakataon ang kasaysayan ng aking pagtula upang maipakita kung paano ako nakabuo ng mga bagong koleksiyon ng tula dahil sa pagbabago ko ng pagturing sa aking sarili, at kung paanong ang tula ay kapwa paraan at bunga ng mga pagbabago ko ng ideya ng sarili. Tatalakayin ko ang tatlong koleksiyon ng mga tula na nabuo ko mula nang maging aktibo ako sa pagtula noong 2002 at ang konteksto ng pagbuo ng mga koleksiyong ito: ang mga makata at mga akdang naging mahalagang impluwensiya sa bawat koleksiyon at ang mahahalagang pangyayari at desisyon na naging impetus ng mga pagbabago ng anyo, wika, at nilalaman ng aking mga tula. Sa sanaysay na ito, idinetalye ko ang naging proseso ng pagsulat ng Loob at tinalakay sa huli ang poetika ng pakikipagkapwa na siyang natagpuan at sinusundan kong etika ng pagtula sa kasalukuyan.

Abstract Format

html

Language

English

Format

Electronic

Accession Number

CDTG005463

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

70 leaves, 4 3/4 in.

Upload Full Text

wf_yes

Share

COinS