Date of Publication
8-2013
Document Type
Master's Thesis
Degree Name
Master of Fine Arts in Creative Writing
Subject Categories
Poetry
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Literature
Thesis Adviser
Genevieve Asenjo
Defense Panel Chair
Allan Popa
Defense Panel Member
Edgar Samar
Kristian Cordero
Abstract/Summary
Binubuo ng 30 tula ang kalipunan na isang pagninilay sa kalagayan ng mga naiwan ng Overseas Contract Workers (OCWs) silang manaka-naka pa lamang na nabibigyan ng espasyo sa diasporikong danas sa ating panitikan. Nakatuon ang koleksiyon sa galaw ng tahanan, ang sentro de grabedad ng pamilya, pangunahing yunit ng lipunan na humaharap sa pinakamaliliit at pinakamalalaking epekto ng kaayusan. Tulad na lamang ng malakas na hatak ng pangingibang-bayan na isinusulong ng globalisasyon. Sa araw-araw na mga kaganapan sa buhay ng mga kapamilyang naiwan, isinadula kung paano nila (persona) hinaharap ang salimuot ng buhay bilang miyembro ng pamilya. Ang pamilya bilang isang konsepto ng pagiging buo sa kabila ng katotohanan na tanging sa diwa, hindi sa aktuwal ang kabuuan. Gayundin, itinanghal ang mga puwersa sa labas ng tahanan (mga tao at karanasan) na tuwiran o di-tuwiran man, kabahagi sa mga maaaring paghulma sa konsepto ng pamilya sa kontemporanyong panahon. Sa kabilang dako, kinasangkapan din ang pagkain, pagluluto, at lasa sa kung paanong ang pagkain ay imahen ng pagsasalo-salo at pagsasama-sama. Na sa kabilang banda, puwersa rin ng pagbubukod-bukod lalo pat isa ito sa mga isinaalang-alang sa pag-alis ng mga OCW. Sa ganito, dinalumat ang pagkain bilang lunan ng talaban ng ibat ibang karanasan o pag-aasam ng mga persona bilang kapamilya, at bilang indibidwal. Pansamantala, panahon na kapwa tinanaw ng mga umaalis at naiwan ang bumibigkis sa karanasan ng mga naiwan (persona) isang panahon na ang tanging tiyak ay kawalang-katiyakan.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Electronic
Accession Number
CDTG005447
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
71 leaves ; 4 3/4 in.
Keywords
Tagalog poetry; Foreign workers, Filipino—Family relationships—Poetry
Upload Full Text
wf_yes
Recommended Citation
Alquisola, V. O. (2013). Lasaysayan ng pansamantala: 30 tula ng/sa mga naiwan ng overseas contract workers. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_masteral/4468