Sa patlang: Isang lirikong sunuran
Date of Publication
2012
Document Type
Master's Thesis
Degree Name
Master of Fine Arts in Creative Writing
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Literature
Abstract/Summary
Pagtatanghal at pagninilay ang tatlumpung tula sa tesis na ito sa salimuot ng posisyon ng tao (persona) na saksi kung paano maaaring humarap sa kakulangan ang kanyang kapwa sa anumang paraan pagsaksi na may mabigat na implikasyon sa kanya kaugnay ng realisasyong nananatili siyang kasangkot sa nasabing pagharap at pinalulubha ito ng kanyang sariling kakulangan gayundin ng personal na relasyon at pagpapahalaga sa kapwa na pangunahing hinubog ng pamilya. May tatlong magkakasaping tahi ang koleksiyon. Sa una, muling binabaybay ng persona ang mga karanasang sumaksi sa pagkakaroon ng kapansanan sa pandinig ng kanyang kapatid. Isinasadula kapwa ang mahirap na kalagayan ng pagharap ng kapatid sa unti-unting katahimikang bunga ng kapansanan at ang kanya ring pagharap sa kalagayang ito na nauudyukan ng pagnanasang kumalinga. Sa ikalawa, binibigyan ng verbal na representasyon ang labing-apat na pintura ni Goya na nilikha nang ang pintor ay bingi na at solitaryong namumuhay habang isinasaalang-alang ang tinatayang malaking katahimikang pinag-ahunan ng kanyang mga obra. Nasa ikatlo naman ang pagninilay ng persona hinggil sa kalikasan ng salita kaugnay ng katahimikang nakaligid dito kung paano muli't muling maihuhulog at maiaahon mula sa bunganga (imahen ng balon) ang salita sa pagnanasang maabot ng tao ang tao (kapwa) sa kanyang kalagayan bagamat nananatili ang kanilang pagitan.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Electronic
Accession Number
CDTG005295
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
1 computer optical disc ; 4 3/4 in.
Recommended Citation
Arguelles, M. V. (2012). Sa patlang: Isang lirikong sunuran. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_masteral/4338