Sports, isports at palakasan: Ang kategorisasyon ng Sports Jargon sa mga piling tabloid

Date of Publication

2012

Document Type

Master's Thesis

Degree Name

Master of Arts in Philippine Studies

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino

Abstract/Summary

Isang proseso na pinagdadaanan ng wika ang kategorisasyon. Sa pamamagitan nito, nabibigyan ng anyo ang mga salita o katawagan at maihanay sa isang kategorya tungo sa mas maayos at epektibo na paggamit ng mga nito. Ang pag-aaral ay nakatuon sa pagbibigay ng kategorya ng mga katawagang pang-sports sa tatlong tabloid na sinuri, ang Abante Tonite, Balita at Pilipino Star Ngayon. Mahalaga ito sapagkat malalaman ang preferens ng mga editor at reports sa iba't ibang kategorya ng sports jargon na ginagamit sa kanilang mga balita at paano ito nakaapekto sa paghahatid ng tamang mensahe sa kanilag mambabasa. Tanging ang mga katawagang pang-sports sa tatlong tabloid ang sinuri ng risertser at hindi na kasama sa pag-aaral ang mga hakbang sa pagsasalin ng mga katawagang ito at pati na rin ang kahulugan ng bawat sports jargon sa isang laro. Dahil teksto ang sinuri, ginamit ang discourse analysis ni Norman Fairclough na kung saan ipinakita ang relasyon ng prodyuser (editor at reporter) at konsyumer (mambabasa) sa produksyon ng teksto na nagreresulta ng iba't ibang kategorya ng sports jargon. Sa pagkalap ng mga katawagang pang-sports at sa onlayn na panayam sa mga editor at reporter, tatlong malaking kategorya ang nabuo sa pag-aaral Katawagang Matatag, Katawagang Hiram at Katawagang Balbal. Sa pag-aaral, lumabas na pangunahing preferens ng mga editor at reporter ang Katawagang Hiram sapagkat marami sa sports jargon ang wala pang matatag na katumbas sa ating wika. Sa pagsasaliksik, ang pag-aaral na ito ang isa, kung hindi una, na tumalakaw ng wika sa sports tabloid partikular na sa mga katawagang pang-sports. Malawak ang maaaring pagaralan sa paksang ito at kung susuri ng mas maraming tabloid, maraming katawagan ang makakalap at maaaring magresulta ng iba pang kategorya.

Abstract Format

html

Language

English

Format

Electronic

Accession Number

CDTG005158

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F Henry Sy Sr. Hall

This document is currently not available here.

Share

COinS