Date of Publication

2006

Document Type

Master's Thesis

Degree Name

Master of Arts in Philippine Studies

Subject Categories

Development Studies

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino

Thesis Adviser

Janet Hope C. Tauro-Batuigas

Defense Panel Chair

Clodualdo A. Del Mundo, Jr.

Defense Panel Member

Roberto M. Mendoza
Teresita F. Fortunato

Abstract/Summary

Dalawa ang layunin ng pag-aaral na ito: Una, suriin ang identidad at realidad ng bata na ipinapakita sa mga print ad; at pangalawa, alamin kung paano inilalarawan ang bata at kanyang realidad sa mga print ad. Mula rito, ang mga suliraning sinagot ay ang mga sumusunod: 1. Anong mga uri ng print ad at mga produkto o serbisyong ibinibenta nito ang madalas nagpapakita o naglalaman ng mga imahe ng bata? Ano ang implikasyon ng mga ganitong print ad sa paglikha ng identidad at realidad ng bata? 2. Ano ang konteksto o naratibo ang makikita sa mga print ad? Paano isinasakatuparan o nalilikha ang konteksto o naratibo sa mga print ad? 3. Dahil ang print ad ay may konteksto o naratibo, ano ang papel na ginagampanan ng bata dito? Paano ito nililikha o isinasakatuparan sa buong konteksto o naratibo? Nakakalap ng siyamnaput walong (98) print ad sa Philippine Daily Inquirer mula Enero hanggang Abril ng taong 2005 at sinuri ang mga ito gamit ang teorya ng panlipunang konstruksyon nina Peter L. Berger at Thomas Luckman bilang panulukang teorya at ang paraan ng pagsusuri nina Jean-Marie Floch, Charles Forceville at Judith Williamson na kanilang ibinatay sa mga ideya at teorya ni Roland Barthes tungkol sa semyotika. Lumabas sa pagsusuri na ang pangunahing target ng mga print ad na ito ay mga magulang dahil sila ang unang ahente ng bata sa pagbuo ng identidad. Ang pinakamaraming bilang ng print ad ay nasa uring pamprodukto at naglalarawan ng mga iv usapin at alalahanin sa loob ng tahanan at ugnayang pampamilya. Ang pumangalawa naman sa bilang ay ang mga ad na panserbisyo at naglalarawan ng gawain sa labas ng tahanan samantalang ang pinakakaunti ay ang mga ad na institusyunal at naglalarawan ng mga usaping panlipunan. Gamit ang mga ideya nina Berger at Luckmann, nakita na ang tatlong uri ng ad ay lumilikha ng ideyal na mundo. Sa unang uri, ipinapakita ang isang ideyal na tahanan at ang pagkakaroon ng maalwang buhay samantalang ang pangalawang uri ay naglalarawan ng ideyal na daigdig sa labas nito. Bukod dito, inilalarawan din ng pangalawang uri kung paano dapat makisalamuha at makipag-ugnayan ang bata sa ibang tao. Gayumpaman, may mga pagkakataong maaaring mabuwag ang nililikhang ideyal na mundo dahil sa aktwal na nangyayari tulad ng trahedya, kahirapan o iba pang panlipunang suliranin. Dahil dito, nakita na pinagtutugma naman pangatlong uri ng ad ang ideyal at aktwal. Apat na naratibo ang natukoy mula sa mga print ad: (1) pamilya o ang konsepto at komposisyon ng ideyal na pamilya, (2) pag-unlad at pagsasarili o ang pagkakamit ng bata ng mga kasanayan at kaalaman, (3) takot at pagkabahala o ang mga sitwasyong maaaring ikadulot ng alalahanin sa pamilya sa loob at labas ng tahanan, at (4) seguridad at pag-asa o ang ideya na may pag-asa o malulutas ang mga suliranin ng lipunan. Mula sa apat naratibo ay natukoy din ang apat na papel na ginagampanan ng bata: (1) bilang periperal na miyembro ng pamilya o ang bata bilang tagapagmasid at walang tinig; (2) bilang isang kopya dahil ang kanyang pag-unlad at pagkamit ng mga kasanayan at kaalaman at ayon sa mga gawain at imahe ng mga nakatatanda sa kanya; (3) bilang bukal ng pangamba o ang dahilan ng alalahin ng nakatatanda; at (4) bilang biktima o isang nilalang na kailangang dapat iligtas. v Batay sa mga resulta, nabuo ang ideya ng kunwa-warian. Katulad ng laro ng bata kung saan may paggagad at pagsasadula ng aktwal na mundo at karanasan sa ideyal na paraan, hindi aktwal na realidad ang ipinapakita sa mga print ad. Ang mga sitwasyon at pangyayari ay limitado lamang sa iilang aspekto o bahagi ng buhay-lipunan. Marami ring pagkakataong ang mga piling aspekto o bahagi ay binabago pa upang umayon sa pang-ekonomiyang interes. Sa loob ng mga ito, ipinapakita rin sa mga print ad kung ano ang papel na dapat gampanan o isakatuparan na madalas ay istiryutipiko. Ang mga rekomendasyon para sa susunod pang pag-aaral ay ang mga sumusunod: 1. Pag-aaral sa iba pang uri ng adbertisment. 2. Pagtutuon ng pansin sa tabloid. 3. Pagpapalawak sa saklaw ng panahon. 4. Pag-uugnay na naratibo sa espasyo. 5. Pagsusuri sa produksyon at resepsyon ng mga kahulugan sa print ad. 6. Pagtukoy sa iba pang nililikhang papel sa print ad.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Electronic

Accession Number

CDTG004376

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

vii, 131 leaves ; 28 cm.

Keywords

Mass media and children; Children and mass media; Mass media and children--Philippines

Upload Full Text

wf_yes

Share

COinS