Isang mungkahing workbuk para sa Banaag at Sikat ni Lope K. Santos para sa ikaapat na taon sa mataas na paaralan
Date of Publication
1998
Document Type
Master's Thesis
Degree Name
Master of Arts in Language and Literature Major in English
Subject Categories
Curriculum and Instruction | Secondary Education and Teaching
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Literature
Thesis Adviser
Dr. Teresita F. Fortunato
Defense Panel Chair
Dr. Isagani R. Cruz
Defense Panel Member
Maria Stella S. Valdez
Dr. Simplicio P. Bisa
Abstract/Summary
Layunin: Naglalayon ang pag-aaral na ito na makadevelop ng isang materyal na panturo sa pamamagitan ng isang workbuk para sa Banaag at Sikat ni Lope K. Santos para sa mga mag-aaral sa ikaapat na taon sa mataas na paaralan. Tiyak na layunin ng riserts ang mga pamamaraang makatutulong sa pagsasanay sa mga mag-aaral sa (1) paglinang ng bokabularyo (2) paglinang ng mas malalim at makabuluhang pag-unawa sa teksto, at (3) pagpapalawak ng mga kasanayang pampanitikan.Mahalaga ang pag-aaral sapagkat inaasahang makatutulong upang mapayaman ang bokabularyo ng mga mag-aaral, maunawaan nang lubos at mas malalim ang nobelang Banaag at Sikat at mapalawak ang mga kasanayang pampanitikan sa pamamagitan ng iba't-ibang pagpapayamang gawain. May silbi ang pag-aaral sa mag-aaral, guro at mananaliksik sa literaturang Filipino.Metodolohiya: Ang pag-aaral ay nauukol sa pagdevelop ng isang workbuk na binubuo ng tatlumpu't isang (31) aralin na katumbas ng gayun ding bilang ng kabanata sa nobelang Banaag at Sikat. Tatlong hakbang ang sinunod ng mananaliksik sa pagbuo ng workbuk: (1) bago sumulat (2) aktwal na pagsulat, at (3) rebisyon at pagpapakinis ng workbuk.Bilang paghahanda, inalam muna ng mananaliksik ang suliranin at ang batayan nito. Pagkatapos, nanghingi siya ng sipi ng mga kasanayang dapat malinang sa mag-aaral na nakasaad sa Secondary School Desired Learning Competencies (SSDLC). Naghanap ang mananaliksik ng kaugnay na literatura at pag-aaral na may kaugnayan sa pagpapalawak ng bokabularyo, pag-unawa sa binasa at pagpapalawak ng kasanayang pampanitikan. Pagkatapos, binasang muli ang nobela at sinimulan na ang paggawa sa mga pagsasanay.
Naging madali at konsistent ang paghanay ng mga tanong sapagkat may sinunod na taxonomi, ang Bloom's Taxonomy (Perrot, E. 1956). Nang matapos ang workbuk, ipinasubok ang isang aralin sa pamamagitan ng isang random sampling. Ang mga mag-aaral sa ikaapat na taon sa hayskul sa Sta. Isabel College, Manila ang nakiisa upang masubok sa kanila ang bisa ng pagsasanay.Pagkatapos ipasubok ang aralin at makausap ang dalawang guro para sa kani-kanilang fidbak at mabusising pagtsek ng kasalukuyang mananaliksik katuwang ang mentor, dumako na sa paggawa ng rebisyon at pagpapakinis ng workbuk. Inisa-isa ng mananaliksik ang bawat aralin upang matiyak na may mga pagsasanay na nalinang sa pagpapayaman ng bokabularyo, pag-unawa sa binasa at pagpapalawak sa kasanayang pampanitikan. Tiningnan din kung naging konsistent sa paggamit ng anyo ng panalita.Tiniyak ng mananaliksik na ang lahat ng mungkahi ay nasunod upang maging maayos, mabisa at matiyak na subok sa target na mambabasa ang ginawang workbuk. Ipinasubok ang isang aralin, Kabanat 26: Lungkot sa Gitna ng Saya sa dalawang seksyon ang seksyon Charity na binubuo ng tatlumpu't tatlong mag-aaral at nakakuha ng mean average na 91.39 percent at ang seksyon Honesty na binubuo ng tatlumpu't dalawang mag-aaral ng nakakuha ng 88.19 percent. Pagkatapos ipasubok ang nasabing aralin, makausap ang dalawang guro na nagbigay ng kani-kanilang fidbak at pagkatapos ng mabusising pagstek ng kasalukuyang mananaliksik katuwang ang mentor, ginawan ng rebisyon ang pagpapakinis ang mga pagsasanay.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TG02831
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
191 leaves
Keywords
Teaching -- Aids and devices; Literature -- Study and teaching; Education; Secondary; Tagalog literature
Recommended Citation
Domingo, F. A. (1998). Isang mungkahing workbuk para sa Banaag at Sikat ni Lope K. Santos para sa ikaapat na taon sa mataas na paaralan. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_masteral/1953