Pagtanggap at pananaw ng mga aeta ng Tumangan sa programa at serbisyo ng Mt. Pinatubo Commission, 1991-1995 (isang case study).
Date of Publication
1998
Document Type
Master's Thesis
Degree Name
Master of Arts in Philippine Studies
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Thesis Adviser
Rizal G. Buendia
Defense Panel Chair
Ronald D. Holmes
Defense Panel Member
Francisco Magno
Edberto Villegas
Abstract/Summary
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagtanggap at pananaw ng mga Aeta ng Tumangan sa Barangay San Juan Botolan, Zambales sa programa at serbisyo ng Mt. Pinatubo Commission partikular sa programang cash-for-work at food-for work mula sa taong 1991-1995.Isang masusing panayam at ginabayang talakayan ang ginawa upang bigyan tuon ang pagtanggap at pananaw sa programa. Binigyan diin din ang epekto nito sa pang araw-araw na buhay ngayon sa resettlement. Nagkaroon din ng paghahambing sa kanilang pamumuhay bago ang pagputok ng Mt. Pinatubo at ngayon sa resettlement.Sa pananaliksik na inilunsad, nakita na ang programang cash-for-work at food-for-work ay malaki ang naitulong lalo na sa unang mga buwan ng ito ay ilunsad. Nakatulong ito sa pangmadaliang programa. Kasabay ng paglulunsad ng programa ay nagkaroon din ng tunggalian sa iba't-ibang aspeto ng buhay ng mga Aeta sa dating kinagisnan na pamumuhay at ngayon sa resettlement.Kaakibat din nito ang mismong pagputok ng Mt. Pinatubo at dislokasyon ng mga Aeta ay may malaking kaakibat na pagbabago sa pamumuhay ng mga Aeta ng Tumangan.Ang programang cash-for-work at food-for-work ay naging daan di-man sinasadya sa pagbuo ng panibagong pananaw, konsepto, at saloobin na minsan ay taliwas sa mga nakagisnan at kultura ng isang katutubong Aeta.
Abstract Format
html
Format
Accession Number
TG02810
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
96 leaves
Keywords
Aeta (Philippine people); Negritos; Social service; Rural; Social welfare; Social service -- Societies; Social acceptance; Perception; Community organization
Recommended Citation
Merida, M. (1998). Pagtanggap at pananaw ng mga aeta ng Tumangan sa programa at serbisyo ng Mt. Pinatubo Commission, 1991-1995 (isang case study).. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_masteral/1938