Pagpapakatao: isang paglilinaw ng paradaym, metapor at mungkahing buhay at angkop na katumbas ng ethics
Date of Publication
1997
Document Type
Master's Thesis
Degree Name
Master of Arts in Religious Education
Subject Categories
Religion
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Theology and Religious Education
Thesis Adviser
Eduardo M. Domingo
Defense Panel Chair
Carol B. Fallarme
Defense Panel Member
Dr. Ismael, Jr. Maningas
Dr. Basilio P. Balajadia
Abstract/Summary
Ang tesis na ito ay may layuning ipaliwanag ang termino/katawagang PAGPAPAKATAO bilang isang bagong paradaym, isang metapor at angkop na katumbas ng ethics sa konteksto ng kulturang Filipino alinsunod sa diwa ng inkulturasyon.Kung titingnan ang pulso o pintig ng teolohiyang moral pagkatapos ng Vatican II hanggang ngayon, mararamdamang may mahahalagang pagbabago ng tuon ang mga moralista. Dati-rati ay nakafocus sa moral dilemmas ang makalumang moralidad. Sa ngayon, ang focus ay sa TAO mismo sa kanyang sitwasyon, pagpapahalaga, kakayahan, katangian.Sa pagtingin sa kasaysayan, makikitang may napakalaking hamon upang pumihit ang pamamaraan, nilalaman at tuon ng moralidad. Kailangan na nitong makipag-ugnayan sa isang bagong mundong isinisilang ngayon. Napakarami nang bagong tuklas ang agham, sikolohiya at iba pa na makatutulong nang malaki upang higit na maging epektibo ang pagtalakay sa moralidad--tulad ng kasalanan, pagbabalik-loob, seks, kalusugan, medisina, at iba pa.Sa paggamit ng pamamaraang eksploratoryo (paglalayag-paglilinaw, paggalugad-pagsisiyasat), tiningnang isa-isa ang tatlong konseptong binanggit at siniyasat ang kaugnayan ng mga ito sa larangan ng pagbabago ng teolohiyang moral.Ang tesis na ito ay isang bibliograpikong riserts na gumamit ng mga akdang tulad ng mga aklat, dyornal, artikulo, tesis, disertasyon, Internet sa paglalahad.Tinukoy sa tesis na ito ang mga kilalang moralista (sa kanluran at mga eksperto sa Pilipinas) na nagsusulong ng ganitong bagong tuon,
pamamaraan at estilo ng moralidad bilang PAGPAPAKATAO. Mula sa kanilang mga sinulat, hinalaw ang buod ng napapanahong moralidad.Lumabas na isang tumpak na paradaym, akmang metapor at angkop na katumbas ang iminumungkahi na konseptong pagpapakatao na kapalit ng ethics sa kulturang Filipino sapagka't ang konseptong ito ay iniinugan ng marami pang konseptong pinagtutuunan ng mga kontemporaryong moralista, bagong metapor ng ethics morality. Ang moralidad ay sining ang nagsisilbing pampuno sa kakulangan, pambalanse sa kalabisan at pangwasto sa kamalian ng metapor na Ang moralidad ay batas na nagdulot ng isang uri ng moralidad na paternalistiko, minimalistiko, rasyonalistiko, legalistiko at manwalistiko. Ito rin ay angkop na katumbas ng ethics sapagka't sa mula't mula pa ang esensya ng ethics ay pagpapakatao. Nakita ito sa kontekstong pinagmulan ng salita ang Griyego.Ang ganitong tuklas ay may mga implikasyon sa pagtuturo ng relihiyon, sa katekesis, sa buhay sa pamayanan at kagalingang panlipunan: mahalagang iayon na sa bugso ng bagong paradaym, metapor at katumbas ng ethics ang nilalaman, tuon at mga lapit sa paksang moralidad. Sa paghahanap ng mga bagong paraan ng pagtuturo ng moralidad, inaasahang may isang ambag na makukuha mula sa pagbabago ng pundasyon nito: PAGPAPAKATAO.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TG02665
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
168 leaves
Keywords
Ethics; Humanity; Paradigm (Theory of knowledge); Metaphor -- Religious aspects; Morality; Hermeneutics
Recommended Citation
Raymundo, H. O. (1997). Pagpapakatao: isang paglilinaw ng paradaym, metapor at mungkahing buhay at angkop na katumbas ng ethics. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_masteral/1836