Ang empirikal na paglilinaw ng konsepto ng hiya at mukha: Isang paglilinang ng pagkataong Pilipino
Date of Publication
1996
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts Major in Psychology
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Psychology
Honor/Award
Awarded as best thesis, 1996
Thesis Adviser
Gundelina Velasco
Defense Panel Chair
Roberto E. Javier, Jr.
Defense Panel Member
Benedict M. Lamberte
Ma. Angeles G. Lapena
Abstract/Summary
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang mabigyang linaw ang konsepto ng Hiya at Mukha at ang relasyon na umiiral sa dalawa. Buhat sa panitikan, nakita ng mga mananaliksik na mayroong aspetong di-malinaw sa bawat konsepto at sa relasyon na tinataglay nila sa isa't-isa. Hinangad ng pag-aaral na ito na malaman ang : 1) Ano ang Hiya, 1.1) Ang pagkakaintindi sa salitang Hiya, 1.2) Ang sanhi ng pagkahiya, 1.3) Ang epekto ng pagkahiya, 1.4) Ang mga kaugnay na salita sa Hiya, 2) Ano ang Mukha, 2.1) Ano ang pagkakaintindi sa salitang Mukha, 2.2) Ang sanhi ng pagkawala ng Mukha, 2.3) Ang epekto ng pagkawala ng Mukha, 2.4) Ang kaugnay na salita sa Mukha at 3) Ang kaugnayan ng Hiya at Mukha sa isa't-isa. Ang ginamit na metodo ay ang disenyong eksploratoryo, at ang kagamitan ay ang isang may istrukturang panayam at isang iskala na kumatawan sa isang continuum. Ang mga kalahok ay nanggaling sa Luzon at pinaghati-hati ayon sa: pinanggagalingan, gulang at kasarian. Ang ginamit na paraan sa pagkuha ng kalahok ay ang quota at nilalayong pagsampol. Ang mga kalahok ay unang ipinasailalim sa isang interbyu at ang datos na nalikom ay pinabigyang-antas sa isa pang pangkat ng kalahok ayon sa lapit o layo sa konsepto ng Hiya at Mukha. Sinuri ang datos gamit ang katutubong metodo ng Larangang Leksikal kung saan pinagbukod-bukod ang datos sa mga kategorya. Lumabas na ang Hiya ay nagtataglay ng panloob at panlabas na aspeto na kung saan ang panloob ay may kinalaman sa pagpapahalaga sa tingin ng indibidwal sa kanyang sarili at ang panlabas ay may kinalaman sa tingin ng iba sa indibidwal. Ang Mukha ay isang panlabas na aspeto ng pagkatao. Ito ay may kinalaman sa ibang tao. Ang persepsyon ng tao sa Mukha ng indibidwal ay ang kanilang persepsyon rin sa kanilang pagkatao. Ito ay binabatay sa kilos at panlabas na katangian. Ang isang tao ay maaaring magtaglay ng Mukhang ipinakikiharap kung mayroon siyang Hiya o wala. Ang pagkakaiba lang ay ang taong nagtataglay ng Hiya ay nalalantad sa pangyayaring pagkawala ng Mukha. Ang taong walang hiya
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU07215
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
79, [48] leaves ; 28 cm.
Keywords
Personality--Philippines; Character--Study and teaching; Bashfulness; Face; Emotions
Recommended Citation
Assad, K. F., Ledesma, E. T., & Roxas, E. C. (1996). Ang empirikal na paglilinaw ng konsepto ng hiya at mukha: Isang paglilinang ng pagkataong Pilipino. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_honors/74