Ang konsepto ng pagkalalake ng mga nagtratrabaho at hindi nagtratrabahong lalakeng may asawang nagtratrabaho
Date of Publication
1995
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts Major in Psychology
Subject Categories
Psychology
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Psychology
Honor/Award
Awarded as best thesis, 1995
Thesis Adviser
Marie Madelene A. Sta. Maria
Defense Panel Chair
Vic Abrenica
Defense Panel Member
Roberto E. Javier, Jr.
Roberto Mendoza
Abstract/Summary
Ang pag-aaral na ito ay sumiyasat sa konsepto ng pagkalalake ng mga Pilipinong lalakeng nagtratrabaho at hindi nagtratrabaho na may asawang naghahanapbuhay. Kung saan tiningnan kung may pagkakahalintulad at pagkakaiba ng konsepto ang dalawang (2) grupo ng kalahok. Pinagbatayan ang Balangkas ng Pang-unawa ni Santiago (1975) sa pag-alam ng partikular na aspeto ng pagkalalake na bibigyang pansin. Ginamit din ito sa paggawa ng tanong para sa talakayan. Purposive sampling at chain referral ang ginamit na paraan sa pagpili ng kalahok para sa pag-aaral. Nakakuha ng labing apat (14) na kalahok mula sa Barangay Sipat, Plaridel, Bulacan. Ang diskusyong nakatuon sa grupo (focus group discussion) ay isinagawa ng mga mananaliksik sa tulong ng isang lalakeng facilitator at ni Mang K , ang lalakeng kabalikat ng pag-aaral. Ang kabalikat ay isang kakilala ng mga mananaliksik na tumulong sa paghahanap ng mga kalahok, na naging indigenous validator ng mga katanungan at tumayong tagapamahala ng talakayan. Ginamit na pagsusuri ng datos ang pagsusuri ng nilalaman (content analysis) kung saan ginamit na recording unit of analysis ang mga temang dapat, naka-sanayan at hindi dapat gawin ng lalake sa pamilya. Batay sa resulta, ang trabaho, pagkakaroon ng asawa't anak, bisyong kontrolado at pagdidisiplina sa anak ay mga gawain ng lalakeng makikita sa pagpapakahulugan ng pagkalalake ng parehong grupo. Nagkaiba sila dahil para sa mga nagtratrabahong lalake, kasama ng mga nasabi na ang paglilibang sa anak at paggalang sa biyenan samantalang para naman sa mga di nagtratrabaho, mahalagang karagdagan ang pagiging maunawain sa asawa at mapag-aruga sa anak. Samakatuwid, mas binibigyang halaga ng mga nagtratrabahong lalake ang bagay na ginagawa nila o para sa kanila samantalang para sa mga hindi nagtratrabahong lalake, may mahalaga ang emosyonal na relasyon ng isa't-isa. Masasabing batay sa mga resultang ito na ang pagkalalake sa Pilipinas ay sadyang nasa konteksto ng pamilya kung saan apektado ng pakikitungo sa pamilya't anak ang
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU06810
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
146 leaves ; 28 cm.
Keywords
Husbands--Psychology; Husbands--Attitudes; Husbands--Conduct of life; Man-woman relationships; Husbands--Employment; Married women--Employment; Unemployed; Family
Recommended Citation
Casipe, T. W., & Cua, S. T. (1995). Ang konsepto ng pagkalalake ng mga nagtratrabaho at hindi nagtratrabahong lalakeng may asawang nagtratrabaho. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_honors/62