Indaynisasyon: Isang modelong sosyo-kultural sa pagdadalumat sa danas-salita
Date of Publication
2009
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Honor/Award
Awarded as best thesis, 2009
Thesis Adviser
Maxwell Felicilda
Defense Panel Member
Rhoderick V. Nuncio
Rowell D. Madula
Abstract/Summary
Ang tesis na ito ay isang paglilinaw sa paniniwalang ang Inday ay isang terminong may lakip na diskriminasyon. Isa itong counter discourse na magpapakita na ang mga salita ay gaya ng Wikang Filipino na hindi pa lubusang hinog upang hindi pasukin ng pagbabago. Tinukoy na ang Inday ay mayroong pinagdaanang migrasyon at pagbabago ng kahulugan sa paglipas ng panahon na magpapatunay na mayroong kaugnayan ang sosyo-kultural at lingwistikal na mga penomenon sa pagkokonsepto sa wika. Ipapakita rin na ang Inday ay dumaan sa yugto ng Vernakularisasyon, Sentralisasyon at Domestikasyon na magpapabuo sa totalidad ng prosesong nilalahukan ng lahat-ang Globalisasyon.
Pinag-aralan sa tesis na ito ang mga personalidad at mga taong kinilala at sumalamin sa esenya at humawak ng mga katangiang pang- Inday Sinuri rin ang mga taong na-Indaynisized at paano o bakit sila naging Inday sa kanilang mga larangan. Ipapakita rin na mayroong politikal na mga elemento ang nakapalood kay Inday at sa Inday jokes na mga penomenon na tutulong sa pagtukoy ng danas-salita ng Inday.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU15135
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
170, [32] leaves : col. ill. ; 28 cm.
Keywords
Sociolinguistics--Philippines; Language and culture--Philippines; Discourse analysis--Philippines; Psycholinguistics--Philippines; Discrimination--Philippines; Personality--Philippines
Recommended Citation
Venturina, P. E. (2009). Indaynisasyon: Isang modelong sosyo-kultural sa pagdadalumat sa danas-salita. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_honors/294