Tuksong-tinik: Ang erotik na pagbuwag sa patriarkiya sa mga pelikula ni Rosanna Roces
Date of Publication
2009
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Honor/Award
Awarded as best thesis, 2009
Thesis Adviser
Feorillo Petronillo A. Demeterio, III
Defense Panel Member
Rhoderick V. Nuncio
Jose Rhommel B. Hernandez
Abstract/Summary
Naging mainam na aksyon ang pagsalang sa lente ng kritikang salig ang mga anyo ng erotika sa mga pelikula ni Rosanna Roces. Hindi lamang ito nakapagluwal ng mga isyung konektado sa mga usapin ng pornograpiya, napasok din nito ang mensaheng nakapaloob sa mga imaheng napapanood sa loob ng mga pelikula. Pangkalahatang layunin ng pag-aaral na ito na malaman kung ano ang mga nakapaligid na politika sa erotika na kinasangkapan upang buwagin ang patriarkiya sa mga pelikula ni Rosanna Roces. Upang makamit ito, ginamit ang textual analysis sa pagbuo at pagbibigay-kahulugan sa karakter batay sa approach nina Dyer at Lee. Nagsagawa rin ng discourse analysis upang bigyan ng kritika ang buhay-lipunan na sinasalamin ng texto. Naging mainam na pantulong dito ang konsepto ng Spectacle of the Society ni Guy Debord at ang pag-aaral sa ikatlong Bugso ng Feminismong Filipino ni Lilia Quindoza-Santiago.
Natuklasan na may iba't ibang uri ng patriarkiya na namamayani sa mga pelikula ni Roces. Nakita kung papaano ipinusisyon ang kanyang mga karakter sa loob ng mundong pinalilibutan ng mga lalaki. Naging kongkreto ito sa pamamagitan ng pagbuo ng mga level of othering na naiperform sa pelikula kaugnay ng pagpresenta sa mga karakter ng lalaki mula sa perspektiba ng mga karakter ni Roces. Nabuo ang talahanayan ng othering o anyo ng pang-iiba na nag-o-operate mula sa punto de bista at rasyonalidad ng babae: ang pang-aakit, ang pangangako, ang pangtatali, at ang pang-aako. Mula rito ay nabuo ang mga relasyon ng lalaki sa sentrong babaeng texto at ang mga arketipo ng babae na naipanday vis-a-vis sa arketipo ng lalaki. Pinakamalapit sa karakter ang mga taong tunay na nagmamahal sa kanya, sunod ang mga lalaking gumagamit ng gahum para siya ay maangkin. Mas malayo naman ang mga lalaking nakatalaga sa subordinasyon, at pinakamalayo o ang pinakalabas na sirkulo ay yaong mga marhinalisado. Nalaman na sa pagtukoy sa espasyong nalikha sa pagitan ng tumutunghay at ng pinagmamasdan, umuusbong ang mga ugnayang relatibo sa politika at kontexto. Natuklasan din ang halaga ng pagkasangkapan sa katawan upang hamunin ang patriarkiya. Bilang ispektakulo na instrumento ng pasipikasyon at depolitisasyon, ginamit ang kapangyarihan ng katawan upang ilihis ang atensyon ng mga lalaki sa pag-alam sa planong pagpapabagsak sa kanila ng babae. Ikinubli ito sa function na komoditi, corporeal phenomenon, at carnivalesque. Ang katawan, bilang sandatang anti-patriarkal, ay ginagamit sa pagbabanyuhay, pambibitin, at pagpapain upang tuluyang mahulog ang lalaki sa bitag ng babae. Sa paggamit ng visual at linguistic erotica, mas lalong maipalabas ang kahinaan ng lalaking nakatunghay. Layunin ng mga elementong ito na hulihin ang sekswalidad ng mga tao sa pamamagitan ng mga salita at mga bagay na nakikita.
Pinagtitibay ng resulta ng pag-aaral na ang erotika ay sangkap sa liberasyon ng babae sapagkat ipinakikita nito ang pagkawala niya mula sa mga diktang pangkasarian na isinuot sa kanya ng lipunan. Sa kanyang paghuhubo, lumaya siya sa lahat ng restriksyong ipinataw sa kanya mula sa payak na katawan, naipakita ang kanyang tunay na pagka-tao. Ang pagbabalik sa ina ay resulta ng paghahanap sa bukal ng mga opresyon sa kababaihan--tila isang strand ng kasabihang kailangang balikan ang pinanggalingan.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU14921
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
xi, 251 leaves : ill. ; 28 cm.
Keywords
Erotic films--Philippines; Sex in motion pictures
Recommended Citation
Maniacup, A. S. (2009). Tuksong-tinik: Ang erotik na pagbuwag sa patriarkiya sa mga pelikula ni Rosanna Roces. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_honors/293