Nuestro Perdido Eden: Ang paghihintay sa utopia sa mga pelikula ni Lino Brocka

Date of Publication

2008

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino

Honor/Award

Awarded as best thesis, 2008

Thesis Adviser

Ernesto V. Carandang, II

Defense Panel Member

Gene Gojo Cruz
Anne Frances N. Sangil

Abstract/Summary

Ang pag-aaral na ito ay impluwensya ng paghahanap sa katumbas na kalinangan ng isang Pilipinong kamalayan na hindi nakasandig sa kanlurang pamantayan gamit ang pelikula bilang texto - ang utopia. Panlahat na layunin ng pag-aaral na tugaygayin ang Pilipinong utopia bilang isang tugon sa intelektwalisasyon ng pilosopiyang Pilipino. Ang tatlong ispesipikong layunin ng riserts ay (1) talakayin ang pelikula sa kontexto ng Batas Militar na may empasis sa Eba at Adan ng Bagong Lipunan (2) tugaygayin ang kahirapan at opresyon bilang mga pangunahing katangian sa dystopia ng sineng Brocka at (3) panimulang dalumatin sa Pilipinong pag-aabang at konseptwalisasyon ng utopia. Ang pag-aaral na ito ay isang qualitative study kung saan kinasangkapan ang archival research, text analysis at domain analysis upang makamit ang mga layunin. Natuklasan sa pag-aaral ng pelikulang Brocka sa kontexto ng Batas Militar na hindi paraiso ang Bagong Lipunan. Sadyang ang mga babae at lalaki ay hindi nabuhay kawangis nina Eba at Adan, sa halip, natali sila sa gahum nina Malakas at Maganda na naninirahan sa Malakaniyang ng mag-asawang Marcos. Sa pagtugaygay sa dystopia sa Sineng Brocka, lutang ang tema ng kapitalismo at imperyalismo na siyang pinagmumulan ng kahirapan ng mga tauhan. Ang lipunan ay nahati sa Oppressor at Oppressed na siyang nagdulot ng Great Divide. Ang paghahanap sa Pilipinong utopia ay pagkasumpong sa etno-epikong konsepto ng Nalandangan kung saan ang kalayaan, kapayapaan at pakikibaka ang bumubuo sa kaayusang Pilipino. Ang hindi pagkakasumpong sa Nalandangan ng mga Pilipino, mula kasaysayan hanggang pelikula, ay maiuugat kina Rizal at Brocka. Ang desperadong paghahanap kay Rizal sa mga kritisismo at ang paghahanap kay Brocka sa mga tradisyong pampelikula ay patunay ng pananatili sa yugto ng paghihintay sa utopia.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Print

Accession Number

TU14912

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

214 leaves : col. ill. ; 28 cm.

Keywords

Motion pictures--Philippines; Motion picture industry--Philippines; Utopias in literature

This document is currently not available here.

Share

COinS