Ampalaya: Pait ng konsumerismo sa panahon ng herbal media
Date of Publication
2008
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Honor/Award
Awarded as best thesis, 2008
Thesis Adviser
Ramilito B. Correa
Defense Panel Member
Racquel E. Sison-Buban
Gene Gojo Cruz
Abstract/Summary
Malaki ang impluwensiya sa pag-aaral na ito ng mga lumalaganap na advertisement ng produktong herbal sa kasalukuyang pamamayani ng herbal media. Panlahat na layunin ng pag-aaral na ito ang ipakita ang kultural na daynamiks ng produktong herbal at medisina, partikular ang produktong may sangkap na ampalaya, kalakip na rin ang konstruksyon ng ekolohikal na kalunasan sa indibidwal at panlipunang sakit. Upang makamit ang inilahad na layunin, bahagi ng mga tiyak na layunin ang paglalahad ng kulturang herbal ng mga Filipino at ang mito nito sa kontexto ng katutubo at modernong pamamaraan ng panggagamot gayundin ang pagtalakay sa therapeutic claim ng mga komersyalisadong produktong herbal at ang epekto nito sa kulturang konsyumer ng Filipino. Nilayon ding dalumatin ang kultural na signipikasyon ng ampalaya sa sosyo-historikal na aspekto ng lipunang Pilipino. Ang idiograpik na pag-aaral na ito ay isang qualitative research kung saan gumamit ang risertser ng textual analysis, content analysis, reception analysis, at focus interview. nagresulta ang pag-aaral sa panibagong konseptong Duglahi, isang metaporikal na lunas sa pait na dina(ra)nas ng Pilipinas, maliban sa pagtalakay sa ampalaya bilang gamot sa pisyolohikal na sakit tulad ng diabetis. Mahalaga ang konsumerismo sa resulta ng pag-aaral lalo na sa kontexto ng malalang ekonomiya kung saan dumarami ang gipit at mahirap.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU14898
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
1 v. (various foliations) ; 28 cm.
Keywords
Herbs--Therapeutic use--Philippines; Medicinal plants--Philippines
Recommended Citation
Espinosa, M. S. (2008). Ampalaya: Pait ng konsumerismo sa panahon ng herbal media. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_honors/290