Usahay na'ay Boholanang nagaguma: Ang virtwal na pag-ibig mula sa internet
Date of Publication
2009
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Honor/Award
Awarded as best thesis, 2009
Thesis Adviser
Evangeline Encabo- Alvarez
Defense Panel Member
Feorillo Petronillo A. Demeterio, III
Rhoderick V. Nuncio
Abstract/Summary
Pangkalahatang layunin ng tesis na ito na malaman kung ano ang daynamiks ng virtwal na pag-ibig sa Internet. Ginamit na kalahok sa pag-aaral na ito ang mga Boholana, partikular na sa bayan ng Tubigon. Upang makamit ito, nakatulong ang pag-aaral sa dispersyon at pagsasakonsepto ng gugma (love) para sa mga Boholana na apektado ng virtwalidad. Sa kabuuan ng pag-aaral, nakatulong ang konsepto ni Nicole Constable na Cultural Logic of Desire. Ang teoryang ito ang nagsilbing gabay sa Case Study na ito na ginamitan ng Archival Research, Context Analysis, Focus Interview (pakikipagkuwentuhan at pagtatanong-tanong). Obserbasyon, Text Analysis, at Discourse Analysis.
Natuklasan na malaki ang impluwensya ng Internet sa pagbuo ng dispersyon ng gugma ng mga Boholana. Nabigyan nito ng pagkakataong umusbong ang gugma sa pamamagitan ng mga Social Network Website at Chat Service. Naging mas epektibo pa ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga emoticon o mga makabagong paraphernalia ng kompyuter. Natuklasan na sa pamamagitan ng internet ay nabibigyan ng kapangyarihan ang babae. Nagkakaroon ito ng sapat na kalayaan upang piliin kung sino ang kanyag gugustuhin - nagagawa niya pa itong lapitan at paibigin. Natuklasan na parehas na mayroong pangangailangan ang mga katutubo at banyaga kaya nauuwi sila sa pagkakabuo ng kanilang pagsasama. Ang babae ay naghahanap ng lalaking mag-aalaga sa kanya at magiging responsable para sa kanilang buhay (modern husband). Habang ang lalaki naman ay naghahanap ng babaeng mag-aalaga sa kanya at hindi kailanman siya iiwan (traditional wife). Natuklasan rin na maaaring ang mga problemang kinakaharap ng mga mag-asawang katutubo-banyaga ay maaaring sumasalamin sa mga isyung panlipunan na kinakaharap sa relasyong Pilipinas at ibang bansa.
Pinagtitibay ng resulta ng pag-aaral na ang paglaganap ng katutubo-banyagang relasyon ay hindi lamang dahil sa materyal na pagsasaalang-alang na nagtulak sa mga Filipina upang makapag-asawa ng Puti, sa halip ito ay mayroong kalakip na gugma na maaaring mabuo o nabubuo sa kanyag loob sa tulong ng Internet, sa paglipas ng panahaon. Maaaring sa pamamagitan ng pag-aaral sa gugma, mabigyan ng bagong mukha ang katutubo-banyagang relasyon-na mula sa kwento ng gamitan ay naging kwento ng pag-iibigan.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU14896
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
xi, 164 leaves : col. ill. ; 28 cm.
Keywords
Love--Philippines--Computer network resources; Mate selection--Philippines--Computer network resources; Man-woman relationships--Philippines--Computer network resources
Recommended Citation
Albaran, K. G. (2009). Usahay na'ay Boholanang nagaguma: Ang virtwal na pag-ibig mula sa internet. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_honors/287