Ang konsepto ng utuan

Date of Publication

2002

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts Major in Psychology

Subject Categories

Psychology

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Psychology

Honor/Award

Awarded as best thesis, 2002

Abstract/Summary

Abstrak. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang malaman ang konsepto ng utuan. Nilalayon ng papel na ito na mapag-alaman kung ano ang pagpapakahulugan sa utuan, ang mga dahilan ng pang-uuto, ang prosesong nakapaloob dito at ang mga epekto nito. Ginamit ang eksploratoryo bilang disenyo ng pananaliksik. Ang mga napiling kalahok ay mga magkakaibigan mula sa Ateneo de Manila University, Centro Escolar University, University of the Philippines-Diliman, University of the Philippines-Manila at University of Santo Tomas na may edad na 16-24. Ginamit ang pagtatanong-tanong at pakikipagkwentuhan bilang mga pamamaraan ng paglikom ng mga datos. Matapos itong makuha, ang mga datos ay sumailalim sa pagsusuri ng nilalaman o content analysis. Napag-alaman sa pag-aaral na ang utuan ay isang interaksyong sosyal kung saan hinihikayat ng nanguuto ang uto-uto na gawin ang kanyang naisin. Ang utuan ay may elemento ng katuwaan at hindi naglalayong manakit o magpahiya ng isang tao, ngunit kung ang pang-uuto ay may masamang layunin, maaari itong magdulot ng pagkapahiya at pananakit. Napag-alaman din na sa konseptong ito, makikita ang relasyon ng nang-uuto, bilang isang taong may kapangyarihan at ng uto-uto, bilang isang taong may likas na kakulangan.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Print

Accession Number

TU10991

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

81 numb. leaves

This document is currently not available here.

Share

COinS