Konsepto ng pagiging bukod-tangi ng tao sa kontekstong Pilipino ayon sa mga mag-aaral sa kolehiyo

Date of Publication

2001

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts Major in Psychology

Subject Categories

Psychology

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Psychology

Honor/Award

Awarded as best thesis, 2001

Abstract/Summary

Tinatalakay ng pag-aaral na ito ang kahalagahan ng pagiging bukod-tangi ng tao batay sa persepyon ng ibang indibidwal sa taong bukod-tangi at sa kanyang sariling persepsyon ukol dito. Gumamit ang mga mananaliksik ng pagtatanung-tanong sa pagkalap ng mga datos. Isinagawa rin ang mga panayam sa mga eksperto sa Wika, Pilosopiya at Sikolohiya. Ang ginamit na disenyo sa pagpili ng mga kalahok ay purposive sampling. May labing-tatlo na grupo ng mga mag-aaral sa iba't-ibang kolehiyo ng Maynila ang mga naging kalahok sa pag-aaral. Umabot sa higit kumulang sa walumpu ang bilang ng mga kalahok. Sinuri ang mga nakalap na datos sa pamamagitan ng content analysis at binuo ang mga kategoryang aangkop sa pagiging bukod-tangi ng tao sa pamamagitan ng paglikha ng isang konseptwal na balangkas. Napag-alaman na sa pagbibigay pakahulugan sa salitang bukod-tangi ay may tatlong aspeto: ang pisikal, mental at psychosocial. Nabatid din na may tatlong antas (proseso) ang pagiging bukod-tangi ng isang indibidwal at ito ay ang Pansamantala, Pangkasalukuyan at Pangmatagalan. Sa kabuuan ay nalaman na may positibo at negatibong aspeto ang pagiging bukod-tangi ng tao. Ang pag-aaral ukol sa pagiging bukod-tangi ng isang indibidwal ang siyang pangunahin at kauna-unahang pag-aaral na ginawa at naitala sa larangan ng Sikolohiya sa Pilipinas.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Print

Accession Number

TU10445

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

105 numb. leaves

This document is currently not available here.

Share

COinS