Kritikal na pagsusuri ng pagiging salin ng salin ng textong Marimar na may focus sa kontextong wika, teknikal, sitwasyon at komunikasyon
Date of Publication
2000
Document Type
Dissertation
Degree Name
Doctor of Arts in Language and Literature Major in Filipino
Subject Categories
Classical Literature and Philology | Language Interpretation and Translation
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Thesis Adviser
Maria Stella S. Valdez
Defense Panel Chair
Buenaventura S. Medina, Jr.
Defense Panel Member
Simplicio Bisa
Isagani R. Cruz
Miguel Q. Rapatan, FSC
Roland Tolentino
Abstract/Summary
Nagsagawa ang risertser ng isang kritikal na pagsusuri ng pagiging salin ng salin ng textong Marimar sa mga sumusunod na kontexto: wika, teknikal, sitwasyon at komunikasyon. Nakapaloob sa kontextong wika ang verbal, viswal at acostic na mga koda ng wika. Nakapaloob sa kontextong teknikal ang sinkronisasyon, ang paglapat ng boses o tunog sa nakikita sa iskrin. Nakapaloob sa kontextong sitwasyon ang politikal at kultural na sitwasyon sa bansa nang ipinalabas ang telenovelang ito. Nakapaloob sa kontextong komuniksyon ang pagiging komunikatibo ng verbal, viswal, acostic at ang impluwensiya ng sinkronisasyon at sitwasyon sa pagiging komunikatibo nito.Base sa ginawang kritikal na pagsusuri ng episode 17 na may 11 eksena at 146 na dayalog napag-alaman ang mga sumusunod:1. Hindi tagumpay ang texto sa pagiging komunikatibo ng dayalog kapag mali ang pagkakasalin nito dahil sa kulang sa detalye, walang saysay, kulang sa kohirens, hini natural, hindi popular ang mga salitang ginamit. Sa 146 na dayalog ay mayroong 36 na medyo komunikatibo dahil sa mga nasabing rason.2. Hindi tagumpay ang acostic sa pagiging komunikatibo ng dayalog. Ang acostic ang pinakanumero unong dahilan ng pagiging medyo komunikatibo ng isang dayalog. Ilan sa mga dahilan ng pagiging medyo komunikatibo ng acostic ay ang mahinang boses in Antonieta, garalgal, malalim na tono na boses ni Nicandro, kulang sa tono at emosyon na pagkakabigkas ng dayalog ni Sergio at Antonieta at ang mabilis na pagbigkas ng mga mahahabang dayalog nina Renato at Angelica. Base sa ginawang pagsusuri sa 146 na dayalog
43 ang naitalang naging medyo komunikatibo dahil sa hindi malinaw ang deliveri ng dayalog.3. Tagumpay ang viswal na koda dahil sa over acting ang mga tauhan kung kaya't ito ang naging tagapagligtas ng telenovela para maging komunikatibo. Base sa pagsusuri ng episode 17 ay mayroon lamang pitong medyo komunikatibo na dayalog na bunga ng hindi masyadong malinaw na viswal. Sa pitong naging medyo komunikatibo ang dayalog, anim sa mga ito ay dahil sa malayo o wala sa camera ang mga tauhang4. Importante ang sitwasyong kultural at politikal sa ating bansa sa pagiging komunikatibo ng nasabing episode. Komunikatibo ang episode na sinuri dahil sa nakakareleyt ang odyens dito. Sa nasabing episode ay inapi at pinag-isipan ng masama si Marimar at ang ibang kagaya niya dahil sa mahirap lang sila. Pilit na pinalabas ng mga kontrabida na si Marimar ay may ibang manliligaw na gaya niyang mahirap at ito ang bumaril kay Chuy. Wala silang tiwala kay Marimar at sa mga kagaya niyang mahihirap. Kasalanan ang pagiging mahirap. Ganito rin ang sitwasyon dito sa Pilipinas. Patunay na rito ang ginagawang pagkakapkap at minsan pa ay pagpapahubad sa mga sales ladies, janitors, at security guards kapag sila ay lalabas na sa kanilang pinagtatrabahuan. Iniisipan na kaagad ng mga may kapangyarihan na may tinatago o ninanakaw ang mga mahihirap sa kanilang pinagtatrabahuan.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TG03181
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
260 num. leaves, 28 cm. ; Computer print-out
Keywords
Television programs--Drama; Criticism, Textual; Transmission of text
Recommended Citation
Tauro, J. C. (2000). Kritikal na pagsusuri ng pagiging salin ng salin ng textong Marimar na may focus sa kontextong wika, teknikal, sitwasyon at komunikasyon. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/881