Ang pilosopiya ng Katipunan: Isang pagsusuri sa diwang nasyonalismo

Date of Publication

1998

Document Type

Dissertation

Degree Name

Doctor of Philosophy in Philosophy

Subject Categories

Philosophy

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Philosophy

Thesis Adviser

Florentino T. Timbreza

Abstract/Summary

Layunin ng pag-aaral: 1. Ipakita na ang pilosopiya ng Katipunan sa mga akdang Andres Bonifacio at Emilio Jacinto ay mahalagang ambag sa pagbubuo ng pilosopiyang Filipino.2. Ipakita na ang mga pagtatalakayan ukol sa kultura, ekonomiya, pulitika, relihiyon, at edukasyon ay mga mahalagang batayan sa pagbubuo ng pilosopiyang Filipino na siyang saligan ng nasyonalismong Filipino.3. Ipakita na ang pagsasabuhay ng mga pilosopiya ng Katipunan ay mga mahalagang batayan sa higit na pagsasarili at pag-unlad ng bansang Pilipinas.4. Ipakita na ang usaping nasyonalismo ay mahalagang batayan sa pag-iral ng ano pa mang bansa.Saklaw at Nilalaman:1. Ang pag-susuri sa mga tekstong Andres Bonifacio sa kanyang mga akdang pampilosopiya katulad ng Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog, Pag-ibig sa Tinubuang Bayan, Sampung Utos ng mga Anak ng Bayan, Katapusang Hibik ng Pilipinas sa Espanya at Katipunang Marahas ng mga Anak ng Bayan.2. Gayundin naman, ang mga tekstong Emilio Jacinto na matatagpuan sa kanyang mga akdang pampilosopiya katulad ng mga sumusunod: Liwanag at Dilim, Ang Pahayag, Kartilya, Ang Pagkakatatag ng Pamahalahan sa Hukuman ng Silangan at ang Casalanan ni Cain.3. Ang pagtalakay sa mga isyu tungkol sa Kultura, Ekonomiya, Pulitika, Relihiyon at Edukasyon na siyang magiging isa sa mga mahahalagang batayan sa pagbubuo ng pilosopiyang Filipino na siya namang magiging batayan ng diwang nasyonalismo.4. Tatalakayin ang mga ito sa liwanag na rin ng mga pilosopiya ng Katipunan at ilang mga piling makabayan at dayuhang mananaliksik.

Konklusyon: 1. Mayroong matatawag na pilosopiya ng Katipunan sa mga tekstong Bonifacio at Jacinto na isa sa mga panulukang bato ng pilosopiyang Filipino.2. Ang pilosopiyang Filipino ay walang iba kundi ang pagtatalakayan at pagbibigay pakahulugan sa kultura, ekonomiya, pulitika, relihiyon, edukasyon at iba pa.3. Ang mga batayan ng nasyonalismong Filipino ay ang kabuuan ng pagtalakay ukol sa mga nabanggit.Rekomendasyon:1. Ang patuloy na pagsasa-isip at pagsasa-puso ng mga aral ng Katipunan.2. Pagpapasimula ng suhetong Himagsikang Katipunan sa lahat ng antas ng paaralan na ang pangunahing layunin ay upang ipabatid ang tunay na mga dahilan sa pagkalas sa kolonyang Espanya sa pamamagitan na rin ng mga pilosopiya ng Katipunan.3. Ang patuloy na intelektwalisasyon ng kaisipang Filipino sa sariling wika, ang wikang Filipino na hindi rin naman isinasantabi ang iba ibang dayalekto sa Pilipinas.4. Ang patuloy at matatag na mga kampanya sa nasyonalismong Filipino. Ang mga guro ay dapat na patuloy na sumailalim sa mga pagtitipon at seminar ukol sa nasyonalismo.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Print

Accession Number

TG03101

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

344 leaves, 28 cm.

Keywords

Nationalism; Associations, institutions, etc.; Societies; Philosophy

This document is currently not available here.

Share

COinS