Mga praktis at paraan ng pagsasabuhay ng karisma ng mga Missionary Catechists of St. Therese of the Infant Jesus (MCST) tungo sa teolohiya ng pagpapanibago
Date of Publication
2017
Document Type
Dissertation
Degree Name
Doctor of Philosophy in Applied Theology
Subject Categories
Religious Education
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Theology and Religious Education
Thesis Adviser
Ferdinand D. Dagmang
Defense Panel Chair
Rebecca G. Cacho
Defense Panel Member
Agnes M. Brazal
Delfo C. Canceran
Jose Rhommel B. Hernandez
Abstract/Summary
Sinaliksik ng pag-aaral na ito ang mga praktis (kaugalian, gawi at gawain) ng MCST upang makita ang lohiko (katwiran) ng praktis, masuri ang mga nananatiling kalagayan at nangingibabaw na mga problema sa buhay relihiyosa, at upang magbigay ng angkop na mga panukala tungo sa minimithing pagbabago. Ang malakas at kumplikadong epekto ng pagbabago ng mundo (kagaya ng epekto ng globalisasyon) ay nagbabadya sa buhay paglilingkod ng MCST. Bilang isang Pilipinong Kongregasyon, ito ay nakababad sa kultura, nakaugnay sa mga mitos ng minanang karisma at sa pamumuhay ng tao na punung-puno ng pang-araw-araw na pagsubok sa buhay.
Gamit ang balangkas ng pagpapaliwanag ni Pierre Bourdieu at pamamaraan ni Arbuckle, ang pagtuon sa lohiko ng praktis, at ang pagsusuri sa misyon at karisma ng MCST, ang disertasyon na ito ay isang pagbabalik-tanaw sa misyon at buhay ni Bishop Obviar at pangangalap ng datos upang ang mga praktis (kaugalian) ng MCST ay maiakma sa hamon ng panahon at makapagbigay ng konkretong mga pamamaraan ng pagtugon sa mga hamon ng kanilang apostolado o paglilingkod sa misyon.
Pinag-ibayong sinaliksik din ng papel na ito ang kasaysayan ng buhay ng tagapagtatag upang buuin ang apostolikong misyon ng MCST at muling tingnan ang orihinal na nagpa-alab ng kanilang puso at ang nagbigay sigla sa MCST. Nilawakan din ang kahulugan at kahalagahan ng krisis habang sinusuri ang buhay, pagtawag, at misyon ng mga relihiyosa.
Batid ang kahinaan ng tao at ang posibilidad ng pag-aalinlangan, ang disertasyon na ito ay nag-aalok ng teolohikal na diskurso ng habitus ni Hesus at ang mga piling teksto sa Banal na Kasulatan ang kahulugan ng chadash o pagpapanibago at mga mungkahing programa ng paghuhubog para sa MCST. Minimithi ng mananaliksik na sa pamamagitan ng mga rekomendasyon, ang MCST ay mas higit pang makapaglingkod sa simbahan ng may katapatan at nag-uumapaw na kaligayahang magmahal sa Diyos at sa kapwa.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Electronic
Accession Number
CDTG007778
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
1 computer disc; 4 3/4 in.
Keywords
Nuns--Philippines; Missionary Catechists of St. Therese of the Infant Jesus
Recommended Citation
Butay, M. C. (2017). Mga praktis at paraan ng pagsasabuhay ng karisma ng mga Missionary Catechists of St. Therese of the Infant Jesus (MCST) tungo sa teolohiya ng pagpapanibago. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/589