Ang tunay na lasa ng asukal: Isang semiotikong pagtingin sa kasalukuyang kalagayan ng asukal at pag-aasukal sa Nasugbu, Batangas
Date of Publication
2018
Document Type
Dissertation
Degree Name
Doktor sa Pilosopiya sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya
Subject Categories
Other Languages, Societies, and Cultures
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Thesis Adviser
Feorillo Petronilo A. Demeterio, III
Defense Panel Chair
Raquel E. Sison-Buban
Defense Panel Member
Rowell D. Madula
Dexter B. Cayanes
Lars Raymund C. Ubaldo
Aurora E. Batnag
Abstract/Summary
Ang nakabaong kabuhayan ng pagtutubo at ang pagkakatayo ng Central Azucarera Don Pedro, Inc ay naging daan upang ang asukal ay maging isa sa mga produktong pinoproseso at kinakalakal sa Nasugbu, Batangas. Sa kasalukuyan, ang industriya ng pag-aasukal ng bayan ay nahaharap sa iba't ibang kalagayan at hamon ng pagbabago
Pangunahing layunin ng pananaliksik na ito na sipatin ang kasalukuyang kalagayan ng asukal at pag-aasukal sa Nasugbu, Batangas sa pamamagitan ng semiotikong pagtingin. Gamit ang teorya ng semiotiko na nakatuon sa mito ni Roland Barthes, inilahad at tinalakay ng papel na ito ang mga nakakubling diskurso mula sa anim na klase ng asukal sa apat na dimensyon ng pag-aasukal sa Nasugbu, Batangas: (1.) Pagtatanim ng tubo, (2.) Pagpoproseso, (3.) Pagkakalakal/Pagbebenta, at (4.) Pagkonsumo. Ang anim na klase ng asukal ay (1.) bati, (2.) pulot, (3.) negra, (4.) brown/pula, (5.) wash/segunda, at (6.) refine.
Sa pamamagitan ng tematikong paghahanay, pagtalakay at pagsusuri ng mga nakakubling diskurso sa bawat dimensyon ng pag-aasukal ay inilarawan ang kasalukuyang kalagayan ng pag-aasukal sa bayan ng Nasugbu.
Ang metodo ng pag-aaral ay etnograpikong pananaliksik samantalang kinalap ang mga datos sa tulong ng Pilipinong Lapit ni Roberto Javier kagaya ng pakikipagkuwentuhan, pakikipanayam, patanong-tanong, pakapa-kapa, pagmamasid, at FGD. Naging malaking bahagi rin ang ginamit na field notes sa pagpapatibay ng ilang datos.
Napag-alaman sa pag-aaral na may 18 nakakubling diskurso ng asukal at pag-aasukal na tinalakay at sinuri. Ang mga ito ay pinangkat sa pamamagitan ng tematikong paghahanay at pagtalakay sa bawat dimensyon ng pag-aasukal. Sa kabuuan ng modelong circuit, inilarawan ang kalagayan ng pag-aasukal ng Nasugbu na nakatahi sa usaping pang-ekonomiya, kultural, at ekonomiyang pampolitika. Nahihinuha na may pagbabanta ng pagsuko ang pag-aasukal sa bayan dahil sa matingkad ng suliraning pangkabuhayan ng mga magtutubo na naapektuhan ng nararanasang ekonomiyang pampolitika. Gayunpaman, ang mga positibong kultura ng mga tao ay nagpapaangat ng kanilang kalagayan sa industriya ng pag-aasukal. Napatunayan na ang tunay na lasa ng asukal ng bayan ay hindi matamis dahil nag-aangkin ito ng iba’t ibang lasang tinimplahan ng mga nakakubling diskurso.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Electronic
Accession Number
CDTG007647
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
1 computer disc; 4 3/4 in.
Keywords
Sugar trade--Philippines; Sugar workers--Philippines; Sugar trade--Employees
Recommended Citation
Morales, R. D. (2018). Ang tunay na lasa ng asukal: Isang semiotikong pagtingin sa kasalukuyang kalagayan ng asukal at pag-aasukal sa Nasugbu, Batangas. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/562