Date of Publication

2018

Document Type

Dissertation

Degree Name

Doktor sa Pilosopiya sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya

Subject Categories

Other Languages, Societies, and Cultures

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino

Thesis Adviser

Rowell D. Madula

Defense Panel Chair

Raquel E. Sison-Buban

Defense Panel Member

Dolores R. Taylan
Dexter B. Cayanes
Roberto E. Javier, Jr.
Emmanuel S. Gonzales

Abstract/Summary

Ang aso at wolf ay miyembro ng genus na Canis. Ang mga wolf ay kilala bilang Canis lupus samantalang ang mga aso ay kilala bilang Canis domesticus. Ang mga aso at wolf ay maaaring magpalahi sa isa't isa (interbreed). Ang terminong canine ay mula sa latin, Canis. Subalit ang terminong aso ay walang sayantipikong basehan, ngunit ito ay ginamit ng may libong taon na. Hindi alam ang pinagmulan ng terminong aso kung saan ito nagmula.
Halos kasintanda ng paglalang sa mundo ang kultura ng pag-aalaga ng aso sa lipunang Pilipino. Nanatili man sa lipunang Pilipino ang tradisyunal na paraan ng pag-aalaga ng aso, hindi naiwasan ng mga indibidwal na sumunod at makiayon sa bagong paraan ng pag-aalaga nito sa mga aso. Mula sa tradisyunal hanggang makabagong paraan ng pag-aalaga ng aso ang naging batayan at modelo upang mahalin ang gawaing ito. Ang pagkalinga ng mga indibidwal sa aso ay nagpapatuloy bunga ito (marahil) ng pagtangkilik sa makabagong paraan ng pag-aalaga ng aso. Dahilan ito para pagbutihin at paunlarin ang gawaing ito sa kasalukuyan.
Maraming dog owner sa kasalukuyan ang nahikayat sa pag-aalaga ng aso. Sumigla ang gawaing ito sa pamamagitan ng veterinarian na tumutulong sa pangangailangang pangkalusugan ng mga aso. Kasabay nito ang nauusong negosyo o hanapbuhay gaya ng veterinary clinic, hospital, pet store, dog hotel/dorm/boarding, dog restaurant/café, dog school/training school, at pet cemetery and cremation. Dumarami na rin ang mga estudyanteng kumukuha ng kursong Doctor of Veterinary Medicine.
Ang pag-aaral na ito ay paglalahad ng penomenolohiya ng pag-aalaga ng aso sa lipunang Pilipino na may tuon sa kasalukuyang kultura nito. Labing limang respondente ang kinapanayam ng mananaliksik at kinalap nito ang naratibo ng kanilang kuwentong buhay sa pag-aalaga ng aso. Mula rito, sinuri ang konsepto/teorya ng danas, dama, at malasakit sa pag-aalaga ng aso. Inilahad din ang iba't ibang espasyo para kina Bantay at Tagpi.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Electronic

Accession Number

CDTG007643

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

1 computer disc; 4 3/4 in.

Keywords

Dogs--Effect of human beings on; Human-animal relationships; Dog breeders; Dogs--Breeding

Upload Full Text

wf_yes

Share

COinS