Pakamtan pangisalba: Kaso ng wikang Bolinao sa bayan ng Anda, Pangasinan

Date of Publication

2018

Document Type

Dissertation

Degree Name

Doktor sa Pilosopiya sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya

Subject Categories

Other Languages, Societies, and Cultures

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino

Thesis Adviser

Feorillo Petronilo A. Demeterio, III

Defense Panel Chair

Raquel E. Sison-Buban

Defense Panel Member

David Michael E. San Juan
Melania L. Flores
Teresitad F. Fortunato
John Iremil E. Teodoro

Abstract/Summary

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa kalagayan ng wikang Bolinao sa bayan ng Anda, Pangasinan. Layunin nito na: (1) matukoy ang sitwasyon ng paka’mët ng wikang Bolinao sa Anda, Pangasinan (2) mailahad ang mga hakbang na ginagawa ng bawat domeyn upang maisalba ang wikang Bolinao at masuri ang kasapatan ng mga hakbang na ito at (3) makapaglahad ng mga programa/gawain na maaaring gawin upang matugunan ang suliranin ng paka’mët ng wikang Bolinao. Upang matiyak ang aktuwal na kalagayan ng wikang Bolinao ay namili ng limang domeyn mula sa teoryang language domains ni Sibayan. Gumamit ng sarbey ang mananaliksik upang matukoy ang mga wikang ginagamit ng mga taga-Anda sa bawat domeyn ng pag-aaral at makita kung pang-ilang wika na lamang ang Bolinao. Samantala upang matukoy naman ang sitwasyon ng paka’mët at ang ginagawang pagsalba sa wikang Bolinao ay nagsagawa rin ng panayam sa mga pangunahing informant sa bawat domeyn. Gamit ang Language Vitality and Endangerment (LVE) ng UNESCO ay nataya ang kalagayan ng Bolinao, ang saloobin at suporta ng mga gumagamit nito at ng pamahalaan, at maging ang antas ng pagdodokumento sa naturang wika. Sa pangkalahatan, napatunayan sa pagaaral na ang wikang Bolinao ay totoong nasa antas na ng panganganib sapagkat sa loob pa lamang ng tahanan ay Tagalog na ang itinuturo ng mga magulang sa kanilang mga anak at Tagalog rin ang pangunahing wikang ginagamit sa mga domeyn ng relihiyon, lokal na pamahalaan, edukasyon at lokal na industriya at komersyo. Bagama't mayroong mga hakbang na ginagawa ang bawat domeyn maliban sa lokal na industriya at komersyo sa pagliligtas ng kanilang wika ay nananatiling hindi ito sapat upang maisalba ang Bolinao. Nabuo ang Modelong Tulay-Wika sa Pagsalba ng Wika na magagamit na batayan sa pagliligtas ng Wikang Bolinao. Naglatag din ng mga hakbang tungo sa pagbuo ng programa sa pagsalba ng wikang ito sa iba't ibang domeyn sa bayan ng Anda.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Electronic

Accession Number

CDTG007642

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

1 computer disc; 4 3/4 in.

Keywords

Bolinao dialect; Philippines--Languages; Philippine languages

This document is currently not available here.

Share

COinS