Nagsasariling araling Filipino: Mga dinamiks ng lokal at pambansang diskurso sa tatlong bahay-saliksikan tulad ng Center for Kapampangan Studies (CKS), Cebuano Studies Center (CSC) at Mindanawon Initiatives for Cultural Dialogue (MICD)
Date of Publication
2016
Document Type
Dissertation
Degree Name
Doktor sa Pilosopiya sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya
Subject Categories
Other Languages, Societies, and Cultures
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Thesis Adviser
Feorillo Petronilo A. Demetrio, III
Defense Panel Chair
Rhoderick V. Nuncio
Defense Panel Member
Dexter B. Cayanes
Dennis B. Erasga
David Michael M. San Juan
Genevieve L. Asenjo
Abstract/Summary
Nasa pagitan ng dinamiks sa lokal at pambansang diskurso ng mga bahay-saliksikan ang bagong bugso ng nagsasariling araling Filipino. Maaaring afirmatibo oposisyonal, grey area, apatetiko at dialohikal ang dinamiks ng lokal sa pambansa. Sa pamamagitan ng pagdadalumat ng sarili tungo sa kasarinlan, matatagpuan sa panahunan ng Philippine studies, area studies, Pilipinolohiya at araling pampook ang proseso ng pagsasarili ng mga bahay-saliksikan. Mahihinuha ang pagpapatuloy ng daluyong ng produksiyon ng pambansa at lokal na kaalamang nasimulan nina Jose Rizal (1889) at Isabelo delos Reyes (1887). Para masundan ang naging takbo ng interaksiyon at pagbabago ng lokal at pambansa, tiningnan ang mga bugso ng kolonyal na diskurso, pagsasakatutubo, akademikong tugon at pagbaling sa wika hanggang sa pampook na pag-aaral at pananaliksik.
Pinili ang tatlong bahay-saliksan mula sa pangunahing islang bumubuo sa arkipelago: ang Center for Kapampangan Studies ng Luzon ang Cebuano Studies Center sa Visayas at ang Mindanawon Initiatives for Cultural Dialogue sa Mindanao. Maliban sa heograpikal na basehan, pinagbatayan din ang rasyonal, istruktural at prosesowal na katangian ng mga piling bahaysaliksikang itinuturing na sentro ng pampook na pag-aaral at pananaliksik.
Pinroblematisa ng pag-aaral ang dinamiks ng pook at pambansang diskurso sa tatlong nabanggit na bahay-saliksikan. Tinangkang masagot ang sumusunod na mga katanungan: (1) Ano-ano ang mga pinag-ugatan ng lokal at pambansang diskurso (2) Ano-ano ang mga natatangi at namumukod na mga katangian ng pampook na sinupan/aklatan, pananaliksik, at museo? (3) Ano ano ang dinamiks, interaksiyon at pagbabago sa kani-kanilang diskurso sa pagpopook at pagkabansa? (4) Paano nakapag-aambag ang araling pampook sa araling Filipino? at kung gayon (5) Paano nakapag-aambag ang Araling Filipino sa Araling Pampook?
Sa pamamagitan ng paggamit ng grounded theory para sa pagpopook at paglulugar ng mga bahay-saliksan sa bansa, mabubuo ang mas masaklaw na larawan kung ano ang nangyayari sa pagitan ng lokal at pambansang diskurso. Gayundin, buhat sa emergent theory, nilinaw ang pagteteorya at pagdadalumat upang mapalawig at mailatag ang proseso ng pagsasarili.
Ang pagdadalumat ng pagsasarili ay nagresulta sa pag-usbong mula sa sarili, ka-sarili, sarilinin at kasarinlan. Maaaring matagpuan din ang dinamiks ng pampook na pag-aaral at pananaliksik sa pamamagitan ng balangkas ng mga lokal na aklatan/ sinupan, pananaliksik at museo. Sa huli, matatagpuan ang bagong bugso ng nagsasariling araling Filipino sa pagitan ng mga araling pampook at makikita ang mga implikasyon nito sa Pilipinas (bayan, pamayanan at bansa) at Asya (Timog Silangang Asya, ASEAN at Ikatlong Daigdig). Ang natukoy na bagong bugso ng araling Filipino ay nagsasariling araling Filipino.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Electronic
Accession Number
CDTG006939
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
1 computer disc; 4 3/4 in.
Keywords
Filipino language--Discourse analysis; Research institutes--Philippines; Learned institutions and societies--Philippines; Institution libraries--Philippines
Recommended Citation
Nobleza, R. T. (2016). Nagsasariling araling Filipino: Mga dinamiks ng lokal at pambansang diskurso sa tatlong bahay-saliksikan tulad ng Center for Kapampangan Studies (CKS), Cebuano Studies Center (CSC) at Mindanawon Initiatives for Cultural Dialogue (MICD). Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/494
Upload Full Text
wf_no