Ang bisa na nakapaloob sa may labinlimang manipestasyon ng bulong sa Batangas
Date of Publication
2016
Document Type
Dissertation
Degree Name
Doktor sa Pilosopiya sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya
Subject Categories
Other Languages, Societies, and Cultures
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Thesis Adviser
Dexter B. Cayanes
Defense Panel Chair
Feorillo Petronilo A. Demeterio, III
Defense Panel Member
Rowell A. Madula
Dolores R. Taylan
Lars Raymund C.Ubaldo
Ma. Crisanta N. Flores
Abstract/Summary
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa batayan at pag-iral ng bisa at kapangyarihang nakapaloob sa konsepto ng bulong. Ang mga paglalarawan at pagsasalaysay sa diskurso ng bulong ay may kinalaman sa labinlimang manipestasyon ng bulong na matatagpuan sa kultural na gawi sa Batangas. Sa pananaliksik na ito ay binigyan ng pansin ang kahulugan ng bulong at ang iba't ibang manipestasyon sa pamamagitan ng etnograpikong pag-aaral na isinagawa sa iba't ibang bayan sa Lalawigan ng Batangas. Sinuri ang mga datos mula sa iba't ibang tagapagbatid o informants sa pamamagitan ng kwalitatibong pamamaraan upang madalumat ang naging daloy ng kasaysayan na may kinalaman sa konsepto ng bulong na pumaimbulog sa kapaligiran ng tao sa kalikasan at kalikhaan at kung ano ang naging bunga ng pagsasalikop nito. Ang diskurso ng bisa at kapangyarihan ng bulong ay masusing tiningnan sa bawat ugnayan ng mga taong kabilang at sangkot sa bawat manipestasyon ng bulong na pinag-aralan. Ang daloy ng pag-aaral ay sa pamamagitan ng paglalarawan sa iba't ibang manipestasyon ng bulong sa mga tunog at kaugnay na mga salita (pagsasatunog), sa pamamaraan kung paano isinulat at inilimbag (pagsasatitik), ang tekstwal na kahulugan ng bawat manipestasyon gamit ang etnograpiya at paglalarawan ng estruktural na modelo sa apat nasasaklawan ng kapangyarihan ng bulong: ang paniniwala at pananampalataya kapakanan at kagihawaan ng tao pakikipag-ugnayan sa pamilya at pakikipagkapwa sa loob ng bayan. Sa mga saklaw na ito umikot ang diskurso tungkol sa bisa at kapangyarihan kung sino/ saan nagmumula ang bisa at kapangyarihan at sino ang walang may hawak ng bisa at kapangyarihan. Tinalakay ang bulong bilang bahagi ng kalinangang bayan at kung ano ang naging epekto ng dambuhalang paghahating pangkalinangan sa pag-iral nito sa kasalukuyang lipunan. Sa kabuuan, tinalakay ang ugat ng bisa at kapangyarihan ng bulong at tinukoy kung saang pangkat ng lipunang Pillipino matatagpuan ang tinig na nagmumula sa pag-iral ng iba't ibang manipestayon ng bulong.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Electronic
Accession Number
CDTG006830
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
1 computer optical disc; 4 3/4 in
Keywords
Culture--Philippines--Batangas; Communication models
Recommended Citation
Maligaya, R. G. (2016). Ang bisa na nakapaloob sa may labinlimang manipestasyon ng bulong sa Batangas. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/485