Kabaro: Mga tabas at disenyo ng pagpapasya ng mga pangunahing tauhang babe sa walong piling premayadong nobelang Filipino ng Gel3 Power 980 - 2011
Date of Publication
2016
Document Type
Dissertation
Degree Name
Doktor sa Pilosopiya sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya
Subject Categories
Other Languages, Societies, and Cultures
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Thesis Adviser
David Michael M. San Juan
Abstract/Summary
Pinagtangkaan ng pag-aaral na ilatag ang mga tabas at disenyo ng pagpapasiya ng mga pangunahing tauhang babae sa walong (8) piling premyadong nobelang Filipino ng limang (5) kabarong manunulat. Inisyal na pinagitaw ang mga dilemma sa bisa ng Panunuring Malay sa Kasarian (PMK) na binigyang-hugis ni Lilia Quindoza-Santiago at Balangkas Dalumat ng Pagkataong Pilipino (BDPP). Binakas din ang hindi bababa sa tatlumpu't walong (38) dilemma kaugnay ng relasyon sa pamilya, kapwa, at lipunan sa aksis ng danas na panloob at panlabas. Ang mga tampok na akda ay kinilala ng Don Carlos Palanca Memorial Awards, National Book Awards (Juan C. Laya Prize for Best Novel in Philippine Language) at Madrigal-Gonzales Best First Book Award bilang pinakamatatagumpay na nobelang naisulat sa pambansang wika mula taong 1980 hanggang 2011.
Gumamit ng triangulasyon ng kabaro sa pag-aaral na ito: una, ang mga pangunahing tauhan ay babae pangalawa, ang mga may-akda ay kabaro rin at pangatlo, ang mananaliksik ay babae pa rin. Ang isang segment ng tatsulok ay binubuo ng mga babaeng nobelista na binansagan ng mananaliksik na GEL3 power. Ang G ay tumutukoy kay Genevieve Asenjo ang E ay para kay Ellen Sicat ang unang L ay kay Luna Sicat-Cleto ang kasunod na L ay para kay Lilia Quindoza-Santiago samantalang ang huling L ay tumutukoy kay Lualhati Bautista. Ang kasunod na segment ng tatsulok naman ay tumutugon sa pluma ng GEL3 power kung saan ang tabas at disenyo ng pagpapasiya ay matutunghayan sa mga akdang Lumbay ng Dila (2011) ni Asenjo Paghuhunos (2002) at Unang Ulan ng Mayo (2005) ni Sicat Makinilyang Altar (2004) ni Sicat-Cleto Ang Kaulayaw ng Agila (1999) ni LQS Gapo (1980) Dekada '70 (1983) at Bata, Bata Paano ka Ginawa? (1984) ni Bautista. Ang huling segment ng tatsulok ay ang ambag ng mananaliksik sa larangan ng Araling Filipino: Wika, Kultura, at Midya bilang kabaro ang repleksibong tabas at disenyo ng pagpapasiya ng kababaihan.
Sa pagsasanib ng salalayan ng GEL3 power at paggamit ng nabanggit na triangulasyon, nakabuo ng apat (4) na panimulang tabas ng mga dilemmang kinaharap ng mga pangunahing tauhang babae: 1) dilemmang panlabas sa anyo ng Kabarong Birhen at Puta (Seksuwalidad), 2) dilemmang panlabas sa galaw ng Kabarong Marabini (Propesyon at Pakikipaghiwalay), 3) dilemmang panloob sa isip ng Kabarong Babaylan (Panlipunang Pakikisangkot), at 4) dilemmang panloob sa damdamin ng Kabarong Martir at Magiting (Gampanin sa Pamilya). Kasarian at Alalahanin sa Lutang Baro at Andukha sa Lito at Remedyo at Orakulo sa Limi.
Sa kabuuan, ang pangkalahatang pagpapasiya ng mga kabarong tauhan ay mahihinuhang matingkad na nilimi upang maipasa ang birtud ng kapangyarihan sa mga mambabasa nito para sa higit na kapakinabangan ng pagpapasiya ng tao, ng babae, ng kabarong Filipino.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Electronic
Accession Number
CDTG006780
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
1 computer disc; 4 3/4 in
Keywords
Award winners--Philippines; Plots (Drama, novel, etc.)
Recommended Citation
Palmes, D. F. (2016). Kabaro: Mga tabas at disenyo ng pagpapasya ng mga pangunahing tauhang babe sa walong piling premayadong nobelang Filipino ng Gel3 Power 980 - 2011. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/479