Teo T. Antonio: Tulambuhay
Date of Publication
2016
Document Type
Dissertation
Degree Name
Doktor sa Pilosopiya sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya
Subject Categories
Other Languages, Societies, and Cultures
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Thesis Adviser
Feorillo Petronilo A. Demeterio, III
Defense Panel Chair
Ernesto V. Carandang, II
Defense Panel Member
Lakangiting C. Garcia
Jose Victor Z. Torres
Genevieve L. Asenso
Dolores R. Taylan
Abstract/Summary
Nilalaman ng disertasyong ito ang topograpiya at landas na tinahak ng pagsulat ng biyograpiya ng isang makatang maituturing na muhon ng kasaysayang pampanitikan sa bansa, si Teo T. Antonio. Bukod sa mismong Tulambuhay, binigyang diin ang dahilan kung bakit dapat pasimulan ang proyektong Popular Biography kung bakit dapat pang sumulat ng biyograpiya sa malawak na pagtanaw sa mundo ng panitikan at pagsulat ang paraan kung paano lalandasin ang biyograpiya bilang babasahing popular at pampanitikan at ang mungkahing proseso sa pagsulat at pakikipagniig sa proyekto ng mananaliksik.
Inilalahad ng mananaliksik ang paglalapat ng iniakmang metodolohiya o pamamaraang ipinapanukala nina Edel Leon (1973) sa larang ng Literary Biography—bagamat binigyan ng pag-akma ng mananaliksik upang lumapat sa kontekstong Filipino, at Bienvenido Lumbera (1997) sa konteksto naman ng lokal na pagsulat ng biyograpiyang pampanitikang may tuon sa pag-humanize sa paksa, o mas tiyak: mas malalim na pagkilala sa iba’t ibang pwersang sikolohikal at panlipunan na pinaglulunsaran ng manlilikha. Buhay ng manlilikhang hindi dapat ipagkait sa pamayanang akademiya, sa mga karaniwang mambabasa, at tumatangkilik sa panitikan sa ating bansa sa kabuuan tungo sa malapit na hinaharap.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Electronic
Accession Number
CDTG006758
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
1 computer optical disc; 4 3/4 in
Keywords
Antonio, Teo T.; Biography; Poets, Filipino
Recommended Citation
Delos Reyes, J. D. (2016). Teo T. Antonio: Tulambuhay. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/476
Upload Full Text
wf_no