Remulla, Revilla, Rivera: Iisang pag-aaral sa dinamiks ng kapangyarihan sa probinsya ng Cavite gamit ang teorya ng mga kapital ni Pierre Bourdieu

Date of Publication

2015

Document Type

Dissertation

Degree Name

Doktor sa Pilosopiya sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya

Subject Categories

Other Languages, Societies, and Cultures

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino

Thesis Adviser

David Michael M. San Juan

Defense Panel Chair

Feorillo Petronillo A. Demeterio III

Defense Panel Member

Lars Raymond C. Ubaldo
Crisanta N. Flores
Dexter B. Cayanes
Lakangiting C. Garcia

Abstract/Summary

Kinikilala ang probinsya ng Cavite na pinamumugaran ng mga matatapang. Noon ay kinatatakutan ng mga dayo ang mapagawi sa Cavite sa paniniwalang hindi na siya makakaalis ng buhay. Nagpasalindila ang mito ng katapangan ng mga Caviteno sa iba't ibang panig ng bansa. Subalit ang pagbabansag na ito ay hindi umaayon sa positibong kaasalan at kilos panlipunan. Kinilala ang Cavite sa bansag na La Madre de Los Ladrones o Ina ng mga magnanakaw sapagkat maraming bandido ang nagtatago at nagpupugad dito. Karaniwan na sa mga bandido ang pagtataglay ng anting-anting o agimat na pinaniniwalaang magliligtas sa kanila sa oras ng panganib at pakikipagsagupaan laban sa mga tumutugis sa kanila na alagad ng batas at kapwa kaaway na bandido. At upang magkaroon ng kaayusan sa Cavite kinailangan ang kamay na bakal ng namumuno dito.

Sa pag-uugat ng maaring pinagmulan ng katapangan ng mga Cavitenno, ayon kay Medina (2001) ang mga Merdeka o Mardica ay ginamit bilang mersenaryo sa panahon ng Malong Revolts. Taong 1661 at sa dulo ng taong 1845 ang mga Mardicas ay ginamit ng Kastila laban sa mga Muslim. Bilang kapalit ng pagiging Mersenaryo ng mga Mardicas sa mga Kastila hindi sila pinagbabayad ng buwis at hindi rin sila sumasailalim sa sapilitang paggawa.

Subalit noong Enero 1818, ang mga pribelehiyo na dating tinatamasa ng mga Merdeka simula pa noong 1771 ay pinawalang bisa o inalis. Ayon pa kay Nigoza (2007) Ang mga Mardicas ay kilala sa pagiging matalino at sa ilalim ng kasunduan, ipinasok ng gobernador heneral ng Espanya ng Pilipinas ang hukbo ng mga Mardicas bunsod ng kahilingan na mapangalagaan ang bansa laban sa paglusob ng mga Moro o mga Muslim na binansagan noong mga pirata. Palaging nakabantay ang mga Mardicas sa posibleng paglusob ng mga Moro.

Sa kasalukuyan, malaki na ang itinalon ng kaunlaran ng probinsya ng Cavite kung ikukumpara sa ibang probinsya. Pinarangalan ng DILG noong taong 2010 at 2011 ng Seal of Good Housekeeping para sa mahusay na pamumuno, pagpaplano, pangangasiwa ng piskal, katapatan, pananagutan, at pagtiyak sa tungkulin. Papaano nagkaroon ng pagbabago sa probinsya ng Cavite? Paano nawala ang mga bandido na kinatatakutan noon? Ano ang imahe ng Cavite sa kasalukuyan panahon? Ito ay ilan lamang sa mga katanungang nais matugunan sa pag-aaral na ito.

Nilalayon ng pag-aaral na makapag-ambag sa mayamang kaban ng mga pananaliksik kaugnay sa probinsya ng Cavite. Pokus ng pag-aaral na ito ang pagkilala sa Teorya ng kapital ng kapangyarihan ni Pierre Bourdieu na naniniwala kaugnay ng pamumuhunan ng kapangyarihang kapital kultural, panlipunan, ekonomiko at simboliko. Sisipatin ng pag-aaral na ito ang dinamiks ng kapangyarihan na namayani at namamayani pa sa probinsya ng Cavite sa pamamagitan nina Juanito Remulla Sr., Ramon Revilla Sr., at Marian Rivera. Isang abogado at naging lingkurang gobernador sa loob ng labing siyam na taon si Juanito Remulla Sr. isang artista na sumikat sa pamamagitan ng mga pelikulang anting-anting na naging tulay maging senador si Ramon Revilla Sr. at upang makita espasyo ng Cavite sa kasalukuyang panahon ay bibigyan ng masusing analisis ang tinaguriang primera klaseng artista na si Marian Rivera si Rivera ang artistang nagrereyna sa GMA7 mula pa taong 2009. Ilalatag sa papel na ito ang mga kapangyarihag kapital na kanilang taglay. Ano ang pinag-uugatan ng kanilang kapangyarihan? Paano nila ito nagagamit? At sa huli ay bibigyang katugunan kung ano ang kasalukuyang kalagayan ng kapangyarihan nina Remulla, Revilla, at Rivera.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Electronic

Accession Number

CDTG006751

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

1 computer optical disc; 4 3/4 in

Keywords

Power (Social sciences)--Philippines--Cavite; Revilla, Ramon, 1927-2000; Rivera, Marian, 1984-; Remulla, Juanito, 1933-2014

Upload Full Text

wf_no

This document is currently not available here.

Share

COinS