Ang loob at ang pagdarame sa Pampanga: Isang masusing pag-aaral gamit ang teorya ni Prospero Covar
Date of Publication
2015
Document Type
Dissertation
Degree Name
Doktor sa Pilosopiya sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya
Subject Categories
Other Languages, Societies, and Cultures
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Thesis Adviser
Ernesto V. Carandang, II
Defense Panel Chair
Rowell D. Madula
Defense Panel Member
Lars Raymund C. Ubaldo
Dexter B. Cayanes
Ma. Crisanta N. Flores
Rita R. Aranda
Abstract/Summary
Ang ritwal ng pagdarame ay bahagi ng kulturang Kapampangan na siyang nagiging salamin ng kulturang Pilipino. Nakapaloob sa ritwal na ito ang samut saring di maipaliwanag na paniniwala at pagtitiwala upang makipagkasundo, mailapit at mapag-isa ang sarili sa Diyos. Instrumento ito upang mahubog ang hugis ng pagkatao ng mga Kapampangan sa usaping ispirituwal sa pamamagitan ng pakikipag-uganayan ng pisikal na katawan tungo sa loob at lalim nito.
Maraming pagbabago sa pagdarame ang natuklasan sa pag-aaral na ito na siyang magiging daan upang mas lalong maunawaan ang ritwal. Dahil isang tagaloob ang Mananaliksik, naging madali para sa kaniya na mapasok ang tila isang palabas sa labas na anyo nito. Mula sa labas ay tumambad ang ilang mga katanungan na nabigyan naman ng kasagutan upang tuluyang makapasok sa loob.
Nalaman at masusing nailahad ang labas, loob at lalim ng pagdarame ng tatlong lungsod sa Pampanga (San Fernando, Angeles at Mabalacat) sa pamamagitan ng teorya ni Prospero Covar. Sa tulong naman ng metodolohiya ni Albert Alejo, kumatok at pinatuloy ang Mananaliksik upang makita ang tunay na hugis nito- ang pagkataong Kapampangan, kulturang Kapampangan, pagkataong Pilipino at kulturang Pilipino.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Electronic
Accession Number
CDTG006632
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
1 computer optical disc; 4 3/4 in
Keywords
Culture--Philippines; Pampanga (Philippines); Covar, Prospero Reyes, 1935-
Recommended Citation
Bautista, A. T. (2015). Ang loob at ang pagdarame sa Pampanga: Isang masusing pag-aaral gamit ang teorya ni Prospero Covar. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/453
Upload Full Text
wf_no