Kamalayang lokal sa panahong globalL: Pagdalumat sa teksto at konteksto ng makabayang edukasyon sa pagpapatupad ng OBTEC (Outcomes-based teacher education curriculum) Filipino sa Pamantasang Normal ng Pilipinas-Maynila
Date of Publication
2015
Document Type
Dissertation
Degree Name
Doktor sa Pilosopiya sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Thesis Adviser
Raquel Sison-Buban
Defense Panel Chair
Dolores Sison-Buban
Defense Panel Member
Maria Fe G. Hicana
Abstract/Summary
Nakatuon ang pag-aaral sa umiiral na bagong modelong kurikulum na Outcomes-Based Teacher Education Curriculum o OBTEC sa Pamantasang Normal ng Pilipinas. Binibigyang- hugis ng pananaliksik ang pagpapakahulugan sa teksto ng banyagang kurikulum sa konteksto ng institusyong pangguro na tiyak ang pagbibigay halimbawa sa ugnayang pedagohikal sa karanasan ng pagtuturo at pagkatuto sa OBTEC-Filipino. Pangunahing layunin ng pag-aaral ang pagbuo ng pinagyamang silabus na magiging salalayan sa paglalapat ng apat na mahalagang K: Kaakuhan, Kamalayan, Kalinangan, at Kasaysayan na pangunahing sangkap ng makabayang pedagohiya. Mula sa pamaraang paglalarawan at paglinang matutugunan ang mga tiyak na layuning maipaliwanag at masuri ang pagpapakahulugan sa konteksto ng OBTEC sa Pamantasang Normal ng Pilipinas, makabayang pedagohiya, at ang paglalapat ng makabayang pedagohiya sa angkat na kurikulum. Maituturing na ambag ng pag-aaralang pagdalumat sa makabayang pedagohiya na masasalamin sa pagiging inobatibo at makapangyarihang guro. Sa pagdalumat, binigyang-diin ang pagsusulong, pagtataguyod, pagtatanghal, at pagsasalaysay ng saysay ng kaakuhan, kamalayan, kalinangan, at kasaysayan ng lipunang Pilipino napanggagalingan ng bunga at produkto ng pagkatuto o pagganap na kahingian ng modelong kurikulum.
Abstract Format
html
Language
English
Format
Electronic
Accession Number
CDTG006435
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
1 computer optical disc ; 4 3/4 in
Recommended Citation
Villanueva, V. M. (2015). Kamalayang lokal sa panahong globalL: Pagdalumat sa teksto at konteksto ng makabayang edukasyon sa pagpapatupad ng OBTEC (Outcomes-based teacher education curriculum) Filipino sa Pamantasang Normal ng Pilipinas-Maynila. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/439