Lapit, palit, lipat: Pagtulay sa palabas, pag-asa at pag-asam ng masa
Date of Publication
2014
Document Type
Dissertation
Degree Name
Doktor sa Pilosopiya sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Thesis Adviser
Rhoderick V. Nuncio
Defense Panel Chair
Feorillo Petronillo A. Demeterio
Defense Panel Member
Dexter B. Cayanes
Roberto E. Javier, Jr.
Fanny A. Garcia
Raquel E. Sison-Buban
Abstract/Summary
Simula pa dekada 50 ay sumasahimpapawid na sa telebisyon ang mga variety-gameshow sa bansa at ang pagsubaybay dito ay naasimila na ng mga Pilipino bilang bahagi ng kultura. Mamamalas sa pagbubuo ng genreng ito ang tinatawag na espektakulong hatid ng midya sa anyo bilang isang panoorin o palabas na engrande bukod pa ang nakagawiang pagtatanghal ng kahirapan ng mga lumalahok dito kapalit ang pagkakataong manalo ng salapi. Sa paglipas ng panahon mapapansin ang tila pagbabagong bihis ng mga programang hindi na lamang nakatuon sa pagbibigay ng aliw ang mga pakulo kundi ang konsepto, konteksto at ideolohiya ay umaayon sa pagiging lunduyan ng ayuda gayundin ng kapahayagan ng pag-asa para sa mga lumalahok dito. Gamit ang tekstwal na pagsusuring nakakonteksto sa pagbasa ng telebiswal na kultura, binalangkas ang nilalaman ng pinakamatagal na variety-game show sa telebisyon, ang Eat Bulaga! bilang isang palabas ayon sa nilikhang diskurso ng LAPIT na may tuon sa espektakulo, PALIT upang kumatawan sa mga binhi ng ideolohiya at LIPAT sa konteksto ng pag-asa bilang pagpapahalaga at nalilikhang mensaheng ipinalalabas.
Natunghayang ang mga elementong bumubuo sa motif at tipolohiya ng programa ay nagbibigay daan sa paglitaw ng espektakulo at pag-uugnay sa iba pang uri ng palabas bilang teksto gayundin ang binhi ng kaunlarang nakatanim bilang adyendang ipinapalaganap ay nagbunsod upang tingnan ang programa hindi lamang sa paglalangkap nito ng serbisyong publiko kundi ang pag-iral ng komersyalismo at kapitalismo sa pagiging bahagi nito ng kulturang popular. Ang daynamiks ng programa ay nagpapalitaw ng mensaheng ito ay bukal ng pag-asang tumatagos sa iskrin ng telebisyon sa anyo ng pagtatanghal ng kapahayagan nito para sa manonood. Maliban sa pag-asa, ang reyalidad ng pag-asam ay isang konstrak na nalilikha ng palabas at naisasaloob ng manonood. Dahil patuloy ang pagbulaga ng espektakulo, patuloy itong dadaloy sa kamalayan at magiging makahulugan mula sa pananaw at karanasan ng mga kalahok at manonood nito.
Abstract Format
html
Language
English
Format
Electronic
Accession Number
CDTG005810
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
1 computer optical disc ; 4 3/4 in.
Recommended Citation
Saul, A. G. (2014). Lapit, palit, lipat: Pagtulay sa palabas, pag-asa at pag-asam ng masa. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/396