Ang pilosopiya ng edukasyon para sa mga Pilipino ayon kay Emerita S. Quito: Isang pagsusuri

Date of Publication

2013

Document Type

Dissertation

Degree Name

Doctor of Philosophy in Philosophy

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Philosophy

Thesis Adviser

Feorillo Petronillo Demeterio, III

Defense Panel Chair

Napoleon Mabaquiao

Defense Panel Member

Elenita Garcia
Ferdinand Dagmang
Voltaire Mistades
Florentino Timbreza

Abstract/Summary

Ang Pilosopiya ng Edukasyon para sa mga Pilipino ayon kay Emerita S. Quito ay dapat tungo sa rekonstruksyon ng lipunan. Ito ay nakabatay sa pagmamahal sa bayan o nasyonalismo. Para sa kanya kailangan ang dekolonisasyon upang alisin ang impluwensya ng mga dayuhan na naipunla sa loob ng mahigit tatlot kalahating sentenaryo ng pananakop. Sa ganitong punto ay mababalikan ang kakanyahan at kadalisayan ng Diwang Pilipino. Lilitaw muli ang pagpapahalagang Pilipino na siyang simula ng isang matibay na pilosopiya ng edukasyon at marapat na pundasyon ng mga bansang nasa Third Word. Bagamat marami na ang nagtangkang ilagay ang nasyonalismo bilang batayan ng pilosopiya ng edukasyon, kakaiba ang paraan ni Quito sapagkat isinabay niya ito sa pangangailangan ng pragmatiko at maka-essensiyang (klasiko) kaalaman. Samakatwid ang kanyang pilosopiya ng edukasyon ay nakabatay sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa kung saan ang mga Pilipino ay nasa krisis sa pagitan ng pag-alam ng pagmamahal sa bayan at praktikal na ideya ukol sa pagtatrabaho at paninirahan sa ibang bansa. Ang pag-aaral na ito ay isang pagsusuri ng pilosopiya ng edukasyon ni Quito bilang batayan ng pambansang adhikain. Naglalayon din ito na iposisyon ang ideya ni Quito sa makabagong diskurso at salik sa edukasyon. Kakaiba ang ideya ni Quito sapagkat nag-uugat ito sa pag-uugnay niya ng nasyonalismo sa edukasyon bilang batayan ng bansang nasa Third World. Samantalang nakaugat ang pangunahing diskurso ng mananaliksik ukol sa mga banta sa ideya ni Quito sa pananaw na ang Diwang Pilipino ay di nawala o natabunan ng banyagang kalinangan. Di rin ito kailangang tabasan at ibalik sa estado bago dumating ang mga Kastila, sapagkat ang mga karanasan sa panahon ng pananakop ay bahagi na rin ng Diwang Pilipino. Ang Diwang Pilipino ay isang nagpapatuloy na proseso at hindi isang esensya. Kung gayon ang direksyon ng pilosopiya ng edukasyon para sa mga Pilipino ay di pagbalik sa nakaraan kundi pagkilala sa kasalukuyang salik sa edukasyon at paggawa ng mga bagong pagpapahalaga na aakma sa nagbabagong Diwang Pilipino at nagbabagong sitwasyon.

Abstract Format

html

Language

English

Format

Electronic

Accession Number

CDTG005340

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

1 computer optical disc ; 4 3/4 in.

This document is currently not available here.

Share

COinS