Date of Publication

5-2012

Document Type

Dissertation

Degree Name

Doktor sa Pilosopiya sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya

Subject Categories

Lesbian, Gay, Bisexual, and Transgender Studies | Other Languages, Societies, and Cultures

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino

Thesis Adviser

Feorillo Petronillo A. Demeterio

Defense Panel Chair

Dolores Taylan

Defense Panel Member

Ernesto Carandang II
Dennis Erasga
Francis Gealogo
Roberto Javier Jr.

Abstract/Summary

Simula nang itatag ang Communist Party of the Philippines (CPP) mula sa lumang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP), ito ang naging pangunahing organisasyong nagtataguyod ng pambansa-demokratikong rebolusyon sa bansa. Kasama ang National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at ang New Peoples Army (NPA), isinulong ng Partido ang parliyamentaryo at armadong pakikibaka laban sa pyudalismo, burukrata-kapitalismo at imperyalismo. Sa nakalipas na limang dekada, lumawak ang kasapian ng mga lihim na organisasyong ito, nagkaroon ng mga tagumpay na laban, at kkumaharap din sa maraming problea at hamon. Noong dekada 70 ay nagkaroon na ito ng mga hakbang upang mapangalagaan at maprotektahan ang kababaihan sa loob ng Partido. Sumigla ang kilusang pangkababaihan at sinuprtahan ang mga kampanya nito laban sa diskriminasyong hindi lamang batay sa kanilang pang-ekonomikong kalagayan, kundi maging dahil sa kanilang kasarian. Pagpasok ng dekada 90 naging masigla ang maraming baklang kasapi ng mga lihim at legal na organisasyon sa ilalim ng Partido. At sa taong 1998, matapos ang ika-sapung plenum ng Komiteng Tagapagpaganap-Komiteng Sentral ng Partido ay inilabas ang nirebisang gabay at tuntunin sa pag-aasawa sa loob ng Partido kung saan idinagdag ang paglalapat nito sa mga kasamang may piniling kasarian. Ang pag-aaral na ito ay isang paglalahad sa kasaysayan ng CPP-NDFP-NPA na may tuon sa mga pagbabago ng polisiya at programa nito na may kaugnayan sa kasarian at sekswalidad. Kumalap ng mga kwentong buhay ang mananaliksik upang makita ang karanasan at kalagayan ng mga baklang aktibista't komunista sa kanilang pagkilos sa loob ng Partido sa larangang organisasyunal, politikal at ideolohikal. Gamit ang konsepto ng field o larangan ni Pierre Bourdieu, sinuri ang mga naging gampanin ng mga bakla sa pagkilos sa parliyamentaryo at armadong pakikibaka bitbit ang kanilang mga kapital. Gayundin, isinaalang-alang din ang konsepto ng habitus ni Bourdieu upang tingnan ang kanilang karanasan bilang mga baklang aktibista’t komunista.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Electronic

Accession Number

CDTG005157

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

615 leaves

Keywords

Gay activists

Upload Full Text

wf_yes

Share

COinS