Pagbubungkal, pakikibaka, pagmamay-ari: Semyolohikal na pagdalumat sa kontra-diskursong usapin ng lupa sa Rosales Saga ni F. Sionil Jose
Date of Publication
8-2019
Document Type
Dissertation
Degree Name
Doktor sa Pilosopiya sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya
Subject Categories
English Language and Literature
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Thesis Adviser
Feorillo Petronillo A. Demeterio, III
Defense Panel Chair
Raquel Sison-Buban
Defense Panel Member
Aurora E. Batnag
Genevieve L. Asenjo
Lars Raymund C. Ubaldo
David Michael M. San Juan
Abstract/Summary
Ang pananaliksik na ito ay isang semyolohikal na pagdalumat ng usapin sa lupa mula sa Rosales Saga ni Francisco Sionil Jose. Ang limang nobela ay ang Poon (1984), Tree ( 1978), My, Brother, My Executioner (1979), The Pretenders (1962) at Mass (1983) na nagsimula sa panahon ng pananakop ng mga Kastila hanggang sa Panahon ng rehimeng Marcos. Naging hanguan ng datos ang limang nobela sa Rosales Saga at ang teorya ng semyolohiya ni Roland Barthes upang mapalutang ang iba’t ibang imahe ng lupa na umiral sa Pilipinas. Sa pangkalahatan ay ginamit ang content analysis bilang metodo sa pagbalangkas ng teksto sa mga namamayaning usapin sa lupa sa Rosales Saga. Magbibigay daan ito upang makita ang hindi lantad na kontra-diskurso ni F. Sionil Jose sa mga namamayaning usapin sa lupa at maibigay ang mga implikasyon nito sa kasalukuyang kalagayan ng usapin ng lupa sa bansa.
Hanggang sa kasalukuyan ang mga manggagawa sa lupa ay hindi pa rin nakakararanas ng tunay na ginhawa kahit pa nga may mga batas at reporma na sa lupa. May mahabang kasaysayan ang usapin ng lupa na naging bahagi sa paghubog sa pagkataong Pilipino. Ang pakikibaka mula sa nakaraan hanggang sa kasalukuyan ay nagpapatunay na kaakibat ng usapin sa lupa ang usapin ng nasyonalismo, paniniwala, ispirituwal na pagpapahalaga at pangkabuhayang nakapaloob sa banggaan ng mahina at malakas, ng pisante at panginoong may- lupa ng batas laban sa lakas.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Electronic
Accession Number
CDTG008225
Keywords
F. Sionil José (Francisco Sionil), 1924-2022--Criticism and interpretation
Recommended Citation
Antonio, E. P. (2019). Pagbubungkal, pakikibaka, pagmamay-ari: Semyolohikal na pagdalumat sa kontra-diskursong usapin ng lupa sa Rosales Saga ni F. Sionil Jose. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/1506
Upload Full Text
wf_no
Embargo Period
3-9-2025