"Paray at tabad bilang atang sa mundo ng pagdi'wata at pananampalataya " by Ma. Gemma Roxas Rosales

Paray at tabad bilang atang sa mundo ng pagdi'wata at pananampalataya ng mga Tagbanuwa ng Puerto Prinsesa, Palawan

Date of Publication

7-2019

Document Type

Dissertation

Degree Name

Doktor sa Pilosopiya sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya

Subject Categories

Indigenous Studies

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino

Thesis Adviser

Feorillo Petronillo A. Demeterio, III

Defense Panel Chair

Rowell D. Madula

Defense Panel Member

Rodrigo D. Abenes
Dexter B. Cayanes
Jose Rhommel B. Hernandez
Roland Theus S. Pada

Abstract/Summary

Ang pag-aaral na ito, na may pamagat na “Paray at Tabad Bilang Atang sa Mundo ng Pagdi’wata at Pananampalataya ng mga Tagbanuwa sa Puerto Princesa, Palawan, ay sumentro sa paghahanap ng mga kasagutan sa pangunahing suliraning, Ano ang halaga at signipikasyon ng paray at tabad at mga ritwal sa pananampalataya ng mga Tagbanuwa ng Puerto Princesa, Palawan?. Ito ay mayroong tatlong tiyak na mga suliraning 1. Anu-ano at paano isinasagawa ang mga ritwal ng mga nasabing Tagbanuwa sa Puerto Princesa, Palawan? 2. Paano naiuugat ang mga ritwal na ito sa mundo ng pananampalataya ng mga nasabing Tagbanuwa? At 3. Anu-ano ang kaugnayan ng paray at tabad sa mga ritwal ng mga Tagbanuwa at sa mga inuugatan nitong diskursong pampananampalataya? Ang mga katanungang ito ay naglalayong tuklasin ang mga ritwal na isinasagawa ng mga Tagbanuwa at alamin ang halaga at signipikasyon ng paray at tabad sa kanilang mga ritwal sa ilalim ng kanilang pananampalataya.
Ginamit ng mananaliksik ang Grounded theory ni Barney Glaser at Anselm Strauss maging ang dalumat ng Pakiramdaman ni Dennis Erasga upang makabuo ng isang substantibong teorya. Na humantong naman sa isang kongklusyong, ang patuloy at maingat na pagsasagawa ng pagdi’wata ay bunga ng pagnanais na magkaroon ng kaaya-ayang relasyon sa pagitan ng mga Tagbanuwa sa kanilang mga di’wata.
Sinipat sa mitikal na pananaw, ang pagdidi’wata ay pagsasagawa ng isang tradisyon na nagpapakita ng malapitang kaugnayan ng tao sa kaniyang kapaligiran. Malaki ang paniniwala ng mga miyembro ng mga katutubong ito sa mga kuwentong- bayan na napreserba upang ipagpatuloy ang kanilang mga kultura at tradisyon at sa mahigpit na pagsunod sa mga katutubong kaalaman.
Ang ispiritwal na aspeto kung saan kinilala ang mga di’wata, panya?an at mga tiladmanin at ang kanilang ugnayan sa mga Tagbanuwa at ang lahat ng mga handog na kanilang inihahanda sa mga pagriritwal. Ito ay nagpapakita ng yaman ng pagkatao ng mga Tagbanuwa sa lahat ng aspeto ng kanilang kamalayan
Ang mga pag-aatang na ginagawa ay isang manipestasyon ng pagmamahal at paggalang na ipinatutungkol sapagkat may paniniwalang ito ang nagkaloob sa kanila ng mga kaligtasan mula sa mga bagay na kanilang kinatatakutan. Ang mga pagriritwal ay isang pagpaparangal sa isang di nakikitang entidad.. Ang mga handog na ito ang siyang nagtatali sa mga Tagbanuwa sa kanilang mga pinaniniwalaan. Ito ang nagsisilbing tagapagkonekta sa kanila sa mga
Bunga ng mga narating na mga kongklusyon hatid ng pag-aaral na isinagawa sa mga ritwal ng mga katutubong Tagbanuwa sa Sitio Sugod I, Brgy. Cabayugan, Puerto Princesa City, Palawan, ang mga sumusunod na rekomendasyon ay ibinibigay ng mananaliksik:
Iminumungkahi ang higit pang pananaliksik at pagtatala ng mga ritwal na mayroon at isinasagawa ng mga katutubo. Ikalawa, maaaring magkaroon ng komparatibo pag-aanalisa sa mga ritwal na isinasagawa ng mga katutubong Tagbanuwa at ng iba pang mga katutubong naninirahan sa lalawigan. Ikatlo, pagsasagawa mas malalim na pag-aaral sa mga katotohanang nasa likod ng konsepto ng pagriritwal sa iba’t-ibang mga tribu ng bansa at magkaroon ng isang komparatibong pag-aaral ukol dito. Ikaapat, pag-aaral sa iba pang aspetong nakapaligid sa kulturang Tagbanuwa tulad ng kanilang unti-unting naglalahong wika, sistema ng pagsulat, paggawa ng iba’t-ibang armas at kalasag, pangongolekta ng pulot, ang kanilang sosyo-politikal na istruktura, at maging panitikan. Ikalima, pagbuo ng isang kurikulum na sesentro sa pag-aaral ng iba pang mga erya ng kultura ng tribu. At panghuli, paggawa ng mga programa upang higit na maprotektahan ang mga katutubo na isa sa mga kultural na kayamanan ng bansa.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Electronic

Accession Number

CDTG008227

Keywords

Tagbanua (Philippine people); Fairy tales--Philippines--Palawan

Upload Full Text

wf_no

Embargo Period

3-10-2025

This document is currently not available here.

Share

COinS