Date of Publication

11-2019

Document Type

Dissertation

Degree Name

Doktor sa Pilosopiya sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya

Subject Categories

Political Science

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino

Thesis Adviser

Rhoderick V. Nuncio

Defense Panel Chair

Raquel Sison-Buban

Defense Panel Member

Zeus A. Salazar
Jose Rhommel B. Hernandez
Antonio Contreras
Dexter B. Cayanes

Abstract/Summary

Dalawa ang sabay na dinalumat sa pag-aaral na ito: ang pagpopook bilang metodo at teorya ng pananaliksik sa isang lokasyon ng bayan/bansa at ang Partido bilang isang pook/distrito sa Camarines Sur. Ang Partido ay nabuo at patuloy na nabubuo dahil sa parti, partihan, partisyon at partisipasyon ng mga Partidonon. Bilang isang distritong pangkongreso (congressional district), ang Partido ay nabuo dahil sa heograpikal na paghahati ng estado upang maghalal ng kinatawan sa kongreso. Gamit ang maka-Filipino at Interdisiplinaryong lapit ay nabuo ang pagpook ng Partido bilang ikaapat na distrito ng Camarines Sur. Maka-Filipino sapagkat ang mga katangian nito ay tumutugon sa binanggit nina Nuncio at Morales-Nuncio (2004): a) pumapaksa tungkol sa Pilipinas at mga Filipino; b) pananaw Filipino ang ginamit upang suriin ang penomenon, atbp.; at c) ang pamaraang ginamit ay hango sa atin. Masusi at kritikal na inilahad sa pag-aaral na ito ang toponomiya, heograpiya at kasaysayan ng Partido. Ginamit ang mga lumang mapa mula sa iba’t ibang archives, lumang larawan, mga dokumento at census upang ipook ang Partido sa kasaysayan. Ipinakita rin ang mahabang panahon ng pagkakaroon ng dinastiya ng mga angkan ng Villafuerte at Fuentebella sa Camarines Sur at kung paano ito nakaugat sa “partihan” sa Partido. Isinalaysay din ang kalagayan ng ekonomiya, kultura at mga natatanging Partidonon na tumutulay sa pagbubuo ng bansa bilang “partipasyon” ng mga taga-Bicol. Sa kabuuan, gusto mang humiwalay ng Partido bilang nagsasariling distrito sa Camarines Sur bunsod ng politikal na “partisyon” ng mga angkan dito, kaisa pa rin ang pook/distrito ng Partido bilang bahagi o “parti” ng bansang may kasarinlan at pagkakakilanlan.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Electronic

Accession Number

CDTG007983

Keywords

Camarines Sur (Philippines)—Historical geography; Camarines Sur (Philippines)—Politics and government; Election districts—Philippines—Camarines Sur

Upload Full Text

wf_yes

Embargo Period

1-24-2023

Share

COinS