Date of Publication
5-2020
Document Type
Dissertation
Degree Name
Doktor sa Pilosopiya sa Araling Filipino - Wika, Kultura, Midya
Subject Categories
Christian Denominations and Sects | Other Languages, Societies, and Cultures
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Thesis Adviser
Raquel E. Sison-Buban
Defense Panel Chair
Rhoderick V. Nuncio
Defense Panel Member
Feorillo Petronillo A. Demeterio
Jimmuel C. Naval
Rowell D. Madula
Lars Raymund C. Ubaldo
Abstract/Summary
Makapangyarihan ang relihiyon sa isang lipunan dahil nagdudulot ito ng malaking epekto sa kultura. Sa pag-aaral ng relihiyon, isa sa mga umuusbong na penomenon sa kasalukuyan ay ang inkulturasyon. Sa usapin ng inkulturasyon, isa si Ed Lapiz sa mga tagapagtaguyod nito sa bansa. Itinatag niya ang Day By Day Christian Ministries na naglalayong ibalik at gamiting muli ang mayamang kultura ng Pilipinas sa liturhiya ng simbahan sa pagpapahayag ng salita ng Diyos. Ito ang kanyang ministeryo na tinawag niyang cultural redemption.
Ayon kay Lapiz (2010:46), a typical Evangelical Christian worship service, with rigid structure, formality and stiffness, is culturally very un-Filipino. Isang malaking kahinaan ng mga relihiyosong pangkat ang ebanghelisasyon, at kahit ang pagbubuhay sa Pilipinas ay maiuugat sa malaking impluwensiya ng mga kanluranin. Nakaangkla rin sa mga kanluraning bansa ang mga paniniwala, paradigma, kaugalian, at mga polisiya.
Sa pag-aaral na ito, sinuri kung papaanong ibinabalik sa pagsambang likas ang mga gawing nabalutan ng kanluraning paniniwala. Sinipat din kung paano inilapat ang kultura ng Pilipinas sa pagpapahayag ng pananampalataya. Gamit ang mga teorya at batayang pag-aaral ng mga iskolar na sina: Propero Covar sa kanyang kaalamang bayang dalumat ng pagkataong Pilipino na naglalaman ng konseptong tungkol sa loob, labas, at lalim; ang Filipino Philosophy ni Leonardo Mercado na tumatalakay sa talaban ng relihiyon at kultura; at ang teorya ni James Carey tungkol sa mga ritwal, sinuri kung paano pinalalalim ng ritwal ng pagpapahiyang ng Day By Day Christian Ministries ang pananampalataya ng mga tao.
Ginamitan ng deskriptibo - kwalitatibong historikal na case study na metodo ang pag-aaral na ito. Ayon kay Creswell (465) [Case study] seeks to develop an in-depth understanding of the case by collecting multiple froms of data. Providing this in-depth understanding requires that only a few cases be studied, because for each case examined, the researcher has less time to devote to exploring the depths of any one case. Dagdag pa rito, ginamitan din ang pag-aaral na ito ng mga teknik na binubuo ng semi-structured key informant na panayam, komparatibong analisis, at lahok-masid (participant-observation) sa mga miyembro ng Day By Day Christian Ministries.
Sa pagbabad ng mananaliksik sa pag-aaral na ito, malinaw na naging kasangkapan ang ritwal ng pagpapahiyang bilang paglikás at paglikas sa tradisyunal na gawi ng pagiging Pilipinong Kristiyano - paglikás sa isang tradisyunal na relihiyon na nakakapagbigay kahulugan hindi lamang sa pag-iral kundi sa kaakohan ng isang Pilipinong Kristiyano, at paglikas sa mga dating gawi upang maging hiyang sa pagsamba na magsusulong ng isang batayan sa paglikha ng programa o polisiyang makapagpapasigla sa pananampalataya bawat taong bahagi ng lipunan.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Electronic
Physical Description
220 leaves
Keywords
Clergy—Office; Religion and culture
Recommended Citation
Reynon, G. C. (2020). Paglikas: Ang mga ritwal ng pagpapahiyang ng/sa Day By Day Christian Ministries. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/1381
Upload Full Text
wf_yes
Embargo Period
4-8-2022
Note
Title in Approval sheet: Paglikas: Ang ritwal ng pagpapahiyang ng/sa day by day Christian ministries