Ang Pagsasa-Filipino ng The Pearl ni John Steinbeck gamit ang komunikatibong dulog [electronic resource]
Date of Publication
2016
Document Type
Dissertation
Degree Name
Doctor of Arts in Language and Literature Major in Filipino
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Thesis Adviser
Sison-Buban, Raquel E.,, Dr.
Defense Panel Chair
Batnag, Aurora E.
Defense Panel Member
Garcia, Lakangiting C., Dr.
Abstract/Summary
Ang pag-aaral na ito ay pagsasa-Filipino ng The Pearl ni John Steinbeck gamit ang komunikatibong dulog ni Newmark (1982). Sumailalim sa apat na yugto ng proseso ang pagsasaling ito: (1) Ang pagkilala sa may-akda, (2) ang paghahanda ng salin (3) ang aktwal na pagsasalin, at (4) ang pagpapakinis ng salin. Batay sa kinalabasan ng pag-aaral, natuklasan na ang estilo ni Steinbeck ay natatangi at ang angking katangiang ito ng kanyang akdang The Pearl ay nagsilbing bukal ng karanasang humamon sa kakayahan ng mananaliksik na tangkaing lusungin ang kahulugan sa likod ng bawat salita at pahayag sa akda upang matamo ang isang komunikatibong salin. Ang mahahabang habi ng pangungusap, pagpapahayag ng matinding damdamin o emosyon na karaniwang iniuugnay ng may-akda sa paglalarawan ng kapaligiran at kalikasan, pagkamayaman sa metapora at nakakubling pahayag ng kanyang akda, at paggamit ng may mga espesyalisadong salita at katawagang kultural ay naging mahalagang salik sa pagbibigay ng buong tuon sa proseso ng pagsasalin. At mula rito, nabuo ng mananaliksik ang ilang pananaw tungo sa teorya ng pagsasalin: (1) Matatagpuan sa konteksto ang marami sa kahulugan ng mga salita at pahayag (2) Ang sintaktikong kaalaman ng tagasalin sa simulaan at tunguhang wika ay mahalaga (3) Mahalaga ang kaalaman ng tagasalin sa iba pang disiplina bukod sa kaalaman sa wika, kultura at panitikan (4) Ang pangingibabaw ng tunguhang wika ay maaaring maganap sa pagsasalin (5) Mahalaga rin na sumailalim sa balidasyon ng mga propesyonal/reaktor ang salin upang mataya ang kawastuhan nito tungo sa pagtatamo ng isang mabuting salin.
Abstract Format
html
Format
Electronic
Accession Number
CDTG006810
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F Henry Sy Sr. Hall
Recommended Citation
Ramos, V. R. (2016). Ang Pagsasa-Filipino ng The Pearl ni John Steinbeck gamit ang komunikatibong dulog [electronic resource]. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/1302