Date of Publication
2006
Document Type
Dissertation
Degree Name
Doctor of Arts in Language and Literature Major in English
Subject Categories
English Language and Literature
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Literature
Thesis Adviser
Efren Abueg
Defense Panel Chair
Teresita Erestain
Defense Panel Member
Magdalena Sayas
Paz Verdades Santos
Gerardo Torres
Dolores Taylan
Abstract/Summary
Layon ng papel na ito ang ipakilala si Ka Cesar sa mundo ng karunungang pampanitikan sa pamamagitan ng paggawa ng literari biografi ni Ka Cesar at sa pagbuo ng antolohiya ng kanyang mga likha, gamit bilang gabay ang mga sumusunod na tanong: 1) Sino si Cesario Y. Torres, na tinatawag ding Ka Cesar o Ka Sario? 2) Paano nakaimpluwensiya ang pagkakakaanib niya sa gerilyerong grupong HUKBALAHAP sa kanyang mga katha? 3) Anu-ano ang kanyang mga naisulat at saan nakabilang na genre ang mga ito? Sa pagsusulat ng isang literari biografi, mas makikilala ng mundo si Ka Cesar. Sa pagbuo naman ng isang antolohiya ng kanyang mga likha, malalaman ang lalim at lawak ng produksyon ng kanyang panitikan. Tugon ito sa panawagan ni Cruz sa kanyang aklat na Beyond Futility (1984), na nananawagang gumawa ng mga bibliografi, biografi, at mga proyektong pagsasalin upang lubusang makilala ang ating panitikan. Ang pag-aaral na ito ay isang paraan upang makilala at mapag-aralan pa natin ang ating panitikan. Isang paraan din ito upang mailunsad si Ka Cesar bilang isa sa mga mahahalagang salig ng panitikang Filipino. Halaw kay Chauncey Sanders (1952), Isagani Cruz (1981), at Marjorie Evasco (2006) ang dinisenyong batayan upang maisulat ang literari biografi ni Cesario Torres (Ka Cesar). Batay sa karanasan ng mananaliksik sa pagkolekta ng datos ang ginamit na salalayan ng metodolohiya ng pag-aaral na ito. Sa nabuong literari biografi at antolohiya, lumitaw na pag-ibig sa bayan ang pangunahing tema ng mga akda ni Ka Cesar. Nanganak ang temang ito ng iba pang mga paksa kagaya ng pagpapahalaga sa kanyang sinapiang kilusan at sa kanyang mga kasama rito, pagsusulong ng wikang Filipino, pagtuligsa sa wikang Ingles at sa makakanluraning kultura, at ang pagpapalakas ng tinig ng masa (manggagawa, magsasaka, mangingisda, atbp). Iminumungkahi ng mananaliksik na basahin ang mga akda ni Ka Cesar upang malaman ang istilong pampanitikan ni Ka Cesar at iba pang yamang-kasaysayang at yamang-panitikang maaaring matagpuan sa kanyang mga akda.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Electronic
Accession Number
CDTG004042
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F Henry Sy Sr. Hall
Keywords
Torres, Cesario Y.; Authors--Biography; Biography as a literary form
Recommended Citation
Punsalang, F. M. (2006). Cesario Torres: Isang literari biografi at antolohiya. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/1152
Upload Full Text
wf_yes