Ang kakaibang pagpipitagan at mga ritwal sa mga simbahan ng Quiapo at Baclaran
Date of Publication
1996
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Science in Psychology
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Psychology
Abstract/Summary
Ang pag-aaral na isinagawa ay descriptive. Ito ay naglalarawan at nagbibigay liwanag kung bakit isinagawa ng mga tao ang kakaibang pagpipitagan at mga ritwal na itinutuon para sa mga santo. Ang hindi kukulangin sa 60 na lalaki at babae ang ginamit na kalahok sa pananaliksik na ito. Ang 30 ay nagmula sa Baclaran at ang natirang 30 naman ay nagmula sa Quiapo. Sila'y pinili sa pamamagitan ng non-probability convenient sampling technique. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng metodong pagtatanung-tanong na may halong pakikipagkwentuhan sa pagtipon ng mga kinakailangan datos, sa tulong ng gabay sa pagtatanung-tanong. Ang mga datos na nakuha ay kwalitatibo kung kaya'y content analysis ang ginamit sa pagsusuri nito. Base sa mga resulta ng pag-aaral na ito, lumalabas na ang kadalasang dahilan sa paggawa ng mga ritwal ay dahil sa mga kapalit na maaring idulot nito. Naipakita sa pag-aaral na ito na ang bawat kilos ay may kapalit na makukuha. Sumunod lang dito ang nakagisnan. Nakaugalian na nila ang ganitong gawain dahil sa isang kabuuang bahagi na ito ng kulturang kinabibilangan nila. Sa pagsusuri ng mga pangangatwiran ng mga kalahok sa Baclaran at Quiapo, lumalabas na sinusundan nito ang paglalahad ng konseptwal na pagbabalangkas na nabuo sa kaugnay n literatura. Lumalabas na dito umiikot ang pagpapaliwanag ng kanilang pagsasagawa ng mga ritwal na kung saan ipinapalagay ang mga ito sa pakikutulad, reinforcement, at sikolohiyang pang pangangailangan. Ang ganitong pangangawirtan ay nakapagpapatibay lalo ng mga argumento na maaaring ipalagay ng kahalagahan at ang mga pagkakataon na nagiging bahagi at maling impluwensiya ang mga ritwal sa pamumuhay ng mga to.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU07216
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
102 leaves ; Computer print-out.
Keywords
Rites and ceremonies; Ritual; Catholic Church--Customs and practices; Religions; Novenas; Philippines--Social life and customs; Faith
Recommended Citation
Bautista, K. C., Gan, M. M., & Lee, G. T. (1996). Ang kakaibang pagpipitagan at mga ritwal sa mga simbahan ng Quiapo at Baclaran. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/9971