Pasma sa pananaw ng atleta, medikal na personel, at manghihilot: Isang pag-aaral ng kaalamang pangkultura
Date of Publication
1996
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts Major in Psychology
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Psychology
Abstract/Summary
Ang eksploratoryong pag-aaral na ito ay ukol sa konsepto ng pasma ayon sa pananaw ng mga atleta, mga medikal na personel, at mga manghihilot. Layunin ng pag-aaral na ito na suriin ang mga paniniwala ukol sa pinanggagalingan ng pasma, ang mga nararanasan ng isang tao kapag mayroon siya nito at ang mga pamamaraan upang ito ay mabigyang-lunas. Tinalakay at ipinakita rin sa pag-aaral na ito ang katutubong konsepto kung saan ito napapabilang. Ang mga kalahok ay binuo ng dalawampung (20) atleta mula sa Pamantasan ng De La Salle, dalawampung (20) na medikal na personel mula sa iba't-ibang ospital sa lungsod, at dalawampung (20) na manghihilot mula sa Kalakhang Maynila at kalapit-probinsiya na pawang napili sa pamamagitan ng nilayong pagsampol o Purposive Sampling . Ang metodo ng pananaliksik na ginamit ay ang pakikipanayam. Mula sa mga nalikom na datos, nakabuo ng mga balangkas upang ipakita ang konsepto ng pasma. Lumabas na nagkakaroon ang isang tao ng pasma kapag siya ay napasukan ng lamig lalo na kung pagod. Ito ay ipinaliwanag ng teoryang Humoral. Maaari itong maiwasan sa pamamagitan ng mabuting pangangalaga ng sarili.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU07222
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
138 numb. leaves ; Computer print-out.
Keywords
Rheumatism--Diagnosis; Diseases--Causes and theories of causation; Health; Athletes--Nutrition; Sports medicine; Folk medicine; Healers; Medical personnel; Pathology
Recommended Citation
Dizon, M. M., Naval, M. R., & Rivera, R. C. (1996). Pasma sa pananaw ng atleta, medikal na personel, at manghihilot: Isang pag-aaral ng kaalamang pangkultura. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/9955