Paglilibang ng mga matatandang Pilipino na nabibilang sa mababang antas sa lipunan
Date of Publication
1996
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts Major in Psychology
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Psychology
Abstract/Summary
Layunin ng pag-aaral na ito ay ang mailarawan ang paraan, hadlang at kabutihan ng paglilibang ng mga matatandang Pilipino na nabibilang sa mababang antas ng lipunan. Ang disenyong ginamit ay paggagalugad-paglalarawan. Ang mga babaeng kalahok ng pag-aaral ay mula sa Apello Rodriguez at ang mga lalaking kalahok ay mula sa Noli Agno. Ang mga nasabing lugar ay parehong nabibilang sa mababang antas ng lipunan. Upang makakuha ng datos ay gumamit ang mga mananaliksik ng katutubong pamamaraan ng pananaliksik, ang ginabayang talakayan, at kalahok na pagmamasid. Apat na ginabayang talakayan ang ginawa, dalawa sa mga babae at dalawa sa mga lalaki. Bawat isang ginabayang talakayan ay may lima hanggang anim na kalahok. Gumawa ng kalahok na pagmamasid sa mga piling paglilibang ng mga kalahok. Mula sa mga nakuhang resulta ay nakabuo ng konseptwal na balangkas. Nakita na ang paglilibang ng mga matatanda ay may pagkakaiba ayon sa kasarian. Para sa mga babae, ang paglilibang ay maaaring maihalintulad sa pagtatrabaho, at maaari ring pagkakitaan. Para naman sa mga lalaki, ang paglilibang ay kakaiba sa trabaho.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU07225
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
72 numb. leaves ; Computer print-out.
Keywords
Recreation; Leisure; Aged--Recreation; Old age; Poor
Recommended Citation
Dychingco, A., Sy, L., & Yu, J. (1996). Paglilibang ng mga matatandang Pilipino na nabibilang sa mababang antas sa lipunan. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/9894