Pakikipagkasundo: Pagpapakahulugan, dahilan, pamamaraan, proseso at kinahihinatnan sa tatlong yugto ng buhay

Date of Publication

1998

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts Major in Psychology

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Psychology

Abstract/Summary

Ang pag-aaral na ito ay naglayong maisalarawan ang pagpapakahulugan, dahilan, pamamaraan, proseso at kinahihinatnan ng pakikipagkasundo na nagaganap sa mga kabataan, nasa hustong gulang at matatanda. Sa paglikom ng datos, ginamit ang metodong ginabayang talakayan. Apatnapu't walong indibidwal na nakatira sa isang subdibisyon sa Caloocan ang nagsilbing na kalahok ng pag-aaral. Nakalap ang mga kalahok sa pamamagitan ng non-probability purposive sampling technique. Gumamit ng kuwalitatibong pamamaraan sa pag-aanalisa sa mga datos. Nakita na ang pakikipagkasundo ay ginagawa ng tao kapag ang ugnayang pinapahalagahan niya ay nasira at gusto niya itong maayos. Nakikipagkasundo ang indibidwal sa mga taong pinagmamalasakitan niya. Ginagawa ang pakikipagkasundo sa pamamagitan ng pakikipag-usap, panunuyo at paghingi ng tulong sa tagapamagitan. Layunin nito ang makapagpaliwanag, at makuha ang loob ng taong kinakasundo. Mayroong prosesong nadadaanan ang tao sa kanyang pakikipagkasundo. Ito ay ang pag-iisip, pagpili ng magandang pagkakataon, pakikipag-usap, panunuyo, paggamit ng tagapamagitan na maaaring humantong sa pagpapanatili o pagputol ng ugnayan. Nagkakaiba ang pakikipagkasundo sa tatlong yugto ng buhay base sa kanilang katangian at uri ng ugnayang nabuo.-

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Print

Accession Number

TU08591

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

110 leaves ; Computer print-out.

Keywords

Reconciliation; Conflict management; Negotiation

This document is currently not available here.

Share

COinS