Isang pag-aaral sa panghuhula at ang mabisang relasyon ng pagtutulungan
Date of Publication
1995
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts Major in Psychology
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Psychology
Abstract/Summary
Ang pag-aaral na ito ay isang paggagalugad na pananaliksik (exploratory research) na may layunin alamin kung alin sa mga berbal at di berbal na mga elemento ng mabisang relasyon ng pagtutulungan sa pagsangguni (counseling) ang maiuugnay at di maiuugnay sa limang iba't-ibang pamamaraan ng panghuhula sa kalakhang Maynila. Inalam sa pamamagitan ng sarbey ang limang pinakatanyag na pamamaraan ng panghuhula : ang paggamit ng ordinaryong baraha, pagbasa sa guhit ng palad, barahang tarot, astrolohiya at paggamit ng bolang kristal. Mula sa mga prosesong ito ay kumuha ng tig-iisang manghuhula at tig-lilimang kalahok bawa't proseso na siyang kakatawan ng mga kalahok ng pag-aaral na ito.Base sa mga datos na nalikom, napag-alaman ng mga mananaliksik na may pagkakaugnay ang mga berbal at di berbal na elemento ng mabisang relasyon ng pagtutulungan ng pagsangguni sa iba't-ibang pamamaraan ng panghuhula sa kalakhang Maynila. Datapwa't ang pag-kakaugnay na ito ay hindi sa lahat ng pagkakataon ay nakikita. Itinatala na mas nakikita ang mga di berbal na elemento kaysa sa mga berbal na mga elemento ng mabisang relasyon ng pagtutulungan ng pagsangguni (counseling) sa mga pamamaraan ng panghuhulang ginamit sa pananaliksik na ito.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU06799
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
100 leaves ; Computer print-out.
Keywords
Prediction (Psychology); Fortune-telling; Therapeutics, Suggestive; Counseling; Psychical research
Recommended Citation
Angko, A. U., Chua-Unsu, D. C., & Ong, H. M. (1995). Isang pag-aaral sa panghuhula at ang mabisang relasyon ng pagtutulungan. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/9716