Ang konsepto ng malandi
Date of Publication
1995
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts Major in Psychology
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Psychology
Abstract/Summary
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay mabigyang-linaw ang konsepto ng malandi. Pinag-aralan ng mga mananaliksik kung may kaibahan sa pagitan ng babae at lalaki at sa pagitan ng mga taong may magkakaibang antas ng katayuang panlipunan, kung ang tinutukuyan ay lalaki o babae, ayon sa mga sitwasyong ibinigay. Ang pangkalahatang disenyo ay eksploratoryo dahil ito ang kaisa-isang nagsiyasat ng konseptong ito mula sa pananaw at kulturang maka-Pilipino.Mula sa kinasapitan ng ginabayang talakayan, nakapagbuo ng isang palatanungan para sa paunang pagsubok. Isang bagong palatanungan ang isinagawa base sa kinalabasan nito na nagsilbing instrumento sa aktwal na surbey. Sa pagtalakay ng resulta, ang naging basehan ay mga haka-haka ng mga mananaliksik.Napag-alaman na walang nababagay na depinisyon ng malandi kung ang tinutukuyan ay lalaki samantalang kabaligtaran naman kung ang nabansagang malandi ay babae. Nagkaisa ang mga kalahok na ang malandi ay isang paraan upang mapansin ng ibang tao. Ito rin ay pagiging agresibo sa pagpapahiwatig ng damdamin sa opposite sex . Mas maraming nalikop na terminolohiyang may kaugnayan sa malandi kung ang tinutukuyan ay babae. Negatibo ang mga kilos na itinuring na malandi para sa mga kalahok. Walang pagkakaiba ang pakikitungo nila sa mga nabansagang "malandi".
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU07108
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
101 numb. leaves ; Computer print-out.
Keywords
Perception; Sensuality; Sexual attraction; Identity (Psychology); Interpersonal relations
Recommended Citation
Hui, J. C., Leechiu, K. T., & Yu, E. N. (1995). Ang konsepto ng malandi. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/9544