Nakakaasar: Isang etnograpiya ng asaran sa barkada

Date of Publication

2011

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts Major in Psychology

Subject Categories

Psychology

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Psychology

Thesis Adviser

Rajiv Amamani

Defense Panel Member

Anton Simon Palo

Abstract/Summary

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong ipaliwanag ang penomeno ng pang-aasar. Inalam ito ng mga mananalikslik pamamagitan ng etnograpiya. Ang lapit na ito ay kanilang ginamit sapagkat sa tingin nila ay mas mabuti kung maranasan muna nila mismo kung paano nagaganap ang pang-aasar para makuha ang tunay na diwa nito. Mismo nilang nakahalubilo ang barkadang napili, ngunit hindi ipinaalam sa mga ito na sila’y inoobserbahan. Ito ay para mapanatili ang tunay na pangyayari, at hindi maimpluwensiyahan ang kanilang pagkikilos. Nakisama ang mga mananaliksik sa isang barkada sa loob ng isang termino. Itinala ng mga mananaliksik ang mga nakalap na impormasyon pagkatapos ng bawat pagkikita. Sa pamamagitan ng in-depth content analysis, natuklasan nila na ang pang-aasar ay nagaganap sa pagitan ng taong may pinagsamahan, malimit ay patungkol sa katangian ng tao (e.g. kinikilos) at crush, at kadalasan ay para magbigay ng kasiyahan sa grupo. Sa pangkalahatan ay nakapagdudulot ito ng katuwaan sa barkada sa kabila ng paniniwalang nakakasakit ito ng kapwa. Marahil ay sa tagal ng pagsasama ng barkada ay pinagtatawanan na lamang nila ito upang mapanatili ang kanilang mabuting pagsasama. Nakita rin ng mga mananaliksik na may ginagampanang papel ang personalidad ng bawat miyembro sa pagganan ng asaran

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Print

Accession Number

TU15754

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

75 leaves ; 28 cm.

Keywords

Teasing; Joking; Interpersonal conflict; Interpersonal relations

This document is currently not available here.

Share

COinS