Sibling family: Ang bagong samahan ng lipunan para sa mga batang lansangan

Date of Publication

1995

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts Major in Psychology

Subject Categories

Psychology

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Psychology

Abstract/Summary

Ang pag-aaral ay tumatalakay sa paksa ng sibling family, isang samahan ng mga batang lansangan na tumutupad ng mga tungkuling dapat ginagampanan ng isang tunay na pamilya upang makatulong sa kabuhayan at kaligtasan ng bawat kasapi. Ang aspeto ng pagbuo ng sibling family, kasama na ang mga salik na nagbigay-daan sa pagsasama ng mga indibidwal na kabilang dito ay tinalakay sa pag-aaral. Isinama rin ang mga uri ng sistemang pang-suportang napapaloob sa samahang ito, kasama na ang mga problemang kanilang nararanasan at pati na rin ang mga paraan na ginagamit sa paglutas ng mga problemang ito. Tinalakay rin ang mga persepsyon ng bawat kasapi sa mga tungkuling kanilang ginagampanan sa loob ng grupo, at ang mga kabutihan at kasamaang naidudulot sa kanila ng pagiging kasapi ng sibling family.Dahil sa bagong tuklas pa lamang ang samahan ng sibling family, ang pag-aaral ay itinuturing na eksploratoryo at ginamitan ng case study approach dahil na rin sa bihirang makatagpo ng ganitong uri ng grupo. Walong kalahok ang kinuha para sa pag-aaral, at ginamit ang maka-Pilipinong metodo ng pagdalaw-dalaw para sa paglikom ng impormasyon.Ayon sa kinasapitan ng pag-aaral, ang mga nadamang kakulangan at di-pagkakuntento ang nagtulak sa mga kasapi ng sibling family na bumuo ng isang samahang tutugon sa kanilang mga pangangailangan.

Abstract Format

html

Language

English

Format

Print

Accession Number

TU06798

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

156 leaves ; Computer print-out.

Keywords

Street children; Family; Group homes for children; Children--Institutional care

This document is currently not available here.

Share

COinS