Istigmatisasyon ng mga propesyonal sa kalusugan sa mga pasyenteng may AIDS

Date of Publication

1994

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts Major in Psychology

Subject Categories

Psychology

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Psychology

Abstract/Summary

Ibinatay ng mga mananaliksik ang pag-aaral na ito sa pag-aaral nina Crawford, Humfleet, Ribordy, Ho at Vickers noong taong 1991. Nais malaman ng mga mananaliksik kung may relasyon ba ang uri ng karamdaman (AIDS o Leukemia) at oryentasyong pangsekswal (heterosekswal o homosekswal) ng pasyente sa antas ng istigmatisasyon ng mga propesyonal sa kalusugan kung isasaalang-alang ang kasarian (lalaki o babae) at uri ng propesyon ng mga sabjeks na propesyonal sa kalusugan (sikolohista o doktor ng medisina). Ang mga mananaliksik ay gumamit ng purposive sampling sa pagpili ng kalahok at ng random assignment into groups sa pagpili at sa paghati-hati sa grupo ng mga kalahok. Ang materyales na ginamit ay apat na maiikling kuwento na nagsasaad ng apat na iba't ibang uri ng sitwasyon, at apat na palatanungan na sumusukat sa apat na dependyenteng baryabol. Ang apat na panukat na ito ay ang palatanungan ng bago mapagpasyang ebalwasyon, palatanungan ng professional contact. Ang pagsusuri ng datos ay ginamitan ng 2-way Anova. Ang mga nakuhang resulta ng pag-aaral na may makabuluhang pagkakaiba ay ang kaibahan ng paghuhusga ng mga babaeng doktor ng medisina sa pasyenteng may AIDS kung ihahambing sa pasyenteng may Leukemia.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Print

Accession Number

TU07113

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

81 numb. leaves ; Computer print-out.

Keywords

Stigmatization; Medical personnel; AIDS (Disease) -- Patients; HIV (Viruses); Sexually transmitted diseases

This document is currently not available here.

Share

COinS