Persepsyon sa sarili ng mga piling matandang dalaga at binata sa gitnang gulang
Date of Publication
1997
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts Major in Psychology
Subject Categories
Psychology
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Psychology
Abstract/Summary
Ang deskriptibong pag-aaral na ito ay nagsasalarawan ng persepsyon sa sarili ng mga matandang dalaga at binata na nasa edad 40-60 sa aspetong pisikal, sosyal, emosyonal at sikolohikal. Ang mga kasagutan ng mga kalahok ay pinaghambing batay sa kasarian at antas ng pamumuhay. Gumamit ng malalimang pakikipanayam at sinuri ang mga datos sa pamamagitan ng content analysis. Base sa mga resulta, ang mga matandang dalaga at binata ay nakikita ang sarili na nakakadanas ng mga pisikal na pagbabago, hindi na palalabas, natatakot na walang mag-aalaga sa pagtanda at mas naging maingat sa kalusugan. Nakita ng mga matandang dalaga ang sarili na relihiyosa samantalang palakaibigan ang mga matandang binata. Para sa mga matandang binata, sila ay maaari pang mag-asawa, ang mga matandang dalaga ay hindi na. Samantala, ang mga nasa gitnang antas ay nakikita ang sarili na konsern sa pagpapaunlad ng sarili, ang mga nasa mababang antas naman ay ang pagreretiro. Ang mga nasa gitnang antas din ay masaya sa trabaho, samantalang ang mga nasa mababang antas ay hindi kuntento rito.
Abstract Format
html
Language
English
Format
Accession Number
TU07728
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
[123] leaves ; Computer print-out (photocopy).
Keywords
Stereotype (Psychology); Middle aged men; Middle aged women
Recommended Citation
Baculinao, K. Y., Liboon, E. F., & Lim, T. N. (1997). Persepsyon sa sarili ng mga piling matandang dalaga at binata sa gitnang gulang. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/8981