Isang eksploratibong pag-aaral sa mga karanasan ng mga piling madrasta sa Pilipinas
Date of Publication
1997
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts Major in Psychology
Subject Categories
Psychology
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Psychology
Abstract/Summary
Ang pag-aaral ay tungkol sa mga karanasan ng mga piling madrasta sa Pilipinas. Ito ay isinagawa upang makapagbigay ng impormasyon at linaw tungkol sa mga karanasan ng isang sekta ng lipunan na nahaharap sa maraming isteryotipikal na pananaw at mga miskonsepsyon. Ang disenyo ng pag-aaral ay eksploratibo na kung saan inilarawan sa pag-aaral ang mga nakikitang tungkulin ng mga piling madrasta ayon mismo sa kanila at sa mga kalahok ay nahahati sa dalawang grupo: ang una ay ang mga kalahok na madrasta at ang ikalawa naman ay mga kalahok na anak sa panguman. Ang mga ito ay nalipon sa pamamagitan ng purposive sampling partikular na ang chain referral. Ang mga kalahok na madrasta ay mula sa Cavite City at sa Gerona, Tarlac, samantalang ang mga kalahok na anak sa panguman ay mula rin sa parehong mga lugar kaya nga lang ay may halong taga-Maynila. Ang metodong pakikipanayam ay ginamit sa pag-aaral upang makalikom ng mga datos. Ang mga datos ay sinuri at inanalisa. Ang mga kasagutan sa inilahad na suliranin ay ipinangkat ayon sa dalawang grupo ng mga kalahok. Napag-alaman sa pag-aaral na ito na ang mga nakikitang tungkulin ng mga madrasta ayon sa kanila at mga anak sa panguman unang-una na ay ang maging kaibigan. Pangalawa lamang ang pagiging ina sa mga anak sa panguman. Ang mga natuklasang epekto naman ng mga nakikitang tungkulin na ito ay ang malapit na pagtutunguhan sa pagitan ng madrasta at anak sa panguman.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU07737
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
59 numb. leaves ; Computer print-out.
Keywords
Stepmother; Interpersonal relations; Remarriage; Stepchildren
Recommended Citation
Caligagan, C., Reas, C., & Soriano, N. (1997). Isang eksploratibong pag-aaral sa mga karanasan ng mga piling madrasta sa Pilipinas. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/8978